Entertainment
Carmina Villarroel Ipinasilip Ang Kanilang Pagmamay Aring Rest House Sa Batangas City Na Ubod Ng Ganda At Laki

Sa kabila ng abalang skedyul ng ilang mga artista, ay nakakahanap pa rin sila ng pagkakataon na mag-enjoy at magkaroon ng masayang bakasyon kasama ang kanilang pamilya. Halimbawa na nga lamang nito ay ang pamilya ng celebrity couple na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na kamakailan lang ay nagkaroon ng isang ‘qick getaway’ bonding. Ang pamilya Legaspi, ay binubuo ng celebrity couple na sina Carmina at Zoren, at ang kambal nilang anak na sina Mavy at Cassy.
At kamakailan nga lamang ay nagtungo ang buong pamilya sa rest house nila sa Batangas City, at doon ay nagkaroon sila ng isang masayang family bonding. Ayon kay Carmina, sinamantala nila ang pagkakataon na mag-bonding magpamilya dahil isa sa kanilang kambal na anak na si Cassy, ay kauuwi lamang mula sa naging mahaba nitong lock-in taping para sa kinabilangan nitong Kapuso teleserye na “First Yaya.”
Ipinakita nga ng pamilya, sa dalawang magkahiwalay na ‘episode’ ng “Sarap Diba? Bahay Edition” sa mga manonood nila, ang mga bagay na karaniwan nilang ginagawang magpamilya sa tuwing bumibisita sila sa kanilang rest house sa Batangas upang magbakasyon. Maliban pa dito, ay ipinasilip na rin ng pamilya Legaspi sa kanilang mga tagahanga ang ilang bahagi ng kanilang rest house. Una nga sa ipinakita ng pamilya ay ang madalas umano nilang pag-bonding-an at ito nga ay ang napakalaking swimming pool sa kanilang rest house.
Samantala, sa nasabing episode, isa nga sa mga masayang naging bonding ng pamilya ay ang paglalaro ng sikat na game ngayon sa internet na “Jojowain o Totropahin”, at ito nga ay punong-puno ng habulan at tuksuhan lalo na ng mabanggit ang kanilang mga celebrity crush. Sinigurado naman ng Legaspi Family na sa tuwing sila’y nagbabakasyon ay hindi maaring mawala ang pagwo-work out, kaya naman mayroon din silang mga ginawang physical activities habang sila ay nasa kanilang rest house.
Ipinakita ng mag-inang Carmina at Cassy ang bahagi sa kanilang rest house kung saan sila madalas na nag-eehersisyo. Nagsilbing bonding naman ng mag-amang Zoren at Mavy ang paglalaro ng basketball sa basketball court na matatagpuan sa mismong loob ng malawak na bakuran ng kanilang rest house.
Matapos nga ang kanilang pagpapawis, ay ipinakita naman ni Carmina sa kitchen area nila sa rest house, at sa bahagi ng episode na ito ay nagluto ang celebrity mo ng paboritong ulam ng asawa niyang si Zoren at ito nga ay ang Ginataang Alimasag at Hipon.
Si Mavy naman ay ibinahagi kung paano niya inihahanda ang paborito niyang liempo. Ayon kay Mavy, tuwing nagbabakasyon sila sa rest house nila ay ang liempo ang isa sa mga putahe na paborito niyang ipaluto. Makikita naman sa huling bahagu ng episode na masayang pinagsaluhan ng pamilya Legaspi sa kanilang dining area ang masasarap na putahe na kanilang inihanda.
