Showbiz
Catriona Gray Proud Sa ‘Imperfection’ Matapang Na Ipinakita Ang Itsurang Walang Makeup

Sanay na sanay tayo na nakikita ang ating mga iniidolo at hinahangaang personalidad sa showbiz na laging naka-postura sa harap ng kamera, ito nga ay dahil sa uri ng kanilang trabaho na ‘artista’ ay kinakailangan naman talaga na sila ay presentable sa lahat mapa-harap o likod man ito ng kamera.
Ngunit sa kabila naman ng nakikita nating magandang postura lagi ng mga celebrity, ay aminado naman sila na mayroon din silang mga ‘flaws’ at ‘imperfections’ sa kanilang katawan o hitsura. Ilan na ngang mga personalidad sa showbiz, ay matapang na ipinakita ang kanilang mga ‘imperfections’ sa kanilang pangangatawan.
Isa nga sa mga hinahangaang celebrity na matapang na ibinandera ang kanyang hitsura at ipinakita ang flaws at imperfection niya sa harap ng publiko ay ang beauty queen na si Catriona Gray.
Kamakailan nga lamang sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Catriona ang kanyang larawan na nagpapakita ng kanyang mukha na walang anumang bakas ng makeup.
Si Catriona ay kilala nating lahat bilang isang napakagandang dilag, lalo na’t siya ay itinanghal na Miss Universe noong taong 2018, at talaga namang siya ay hinahangaan ng marami dahil sa kanyang taglay na kagandahan at ipinamalas na katalinuhan. Para nga sa marami sa atin ay tila napakaperpekto na ng taglay na kagandahan ni Catriona, ngunit pag-amin niya, tulad ng marami sa atin, ay hindi perpekto ang kanyang kagandahan, lalo na’t mayroon din siyang mga flaws at imperfections.
“Hiii just jumping on here with a bare faced selfie to remind you that even though in photoshoots, makeup and IG story filters, my skin looks “flawless”… in reality I have pores, oiliness, fine lines, breakouts, beauty spots and moles… and I’m perfectly fine with that.
Ayon pa sa beauty queen, tulad ng ibang kababaihan ay nakararanas din siya ng acne breakouts, lalo na’t madalas nga siyang nagme-makeup dahil sa kanyang mga nagiging shoot. Saad pa niya, kung siya ang masusunod kung maari ay mas nais niyang hindi siya naglalagay ng anumang kolorete sa kanyang mukha. Kaya naman sa tuwing siya ay nasa bahay lamang at walang anumang shoot o pictorial, ay ipinapahinga niya ang kanyang balat at hindi umano siya naglalagay o nagpapahid ng anumang produkto sa kanyang mukha.
Nagbigay payo naman si Catriona para sa mga kababaihan, lalo na sa mga kadalagahan na huwag masyadong magpaniwala sa social media kung saan madalas nating ikinukumpara ang ating mga sarili sa mga magagandang kababaihan na ating nasisilayan. Dahil sa totoo, ay wala talagang perpektong ganda, lahat tayo ay may ‘imperfections’, at ang tanging kailangan lang ay ang mahalin at tanggapin natin anuman ang ating hitsura.
“This is just a kind, little reminder to remember that what we see online is a “curated feed”, and that we shouldn’t compare that to our everyday reality.” Kadalasan ang akala ng mga kabataan ay perfect ang skin ng mga artista kung kaya’t madali silang mahikayat na bumili ng skin products na wala naman talagang epekto o bagkus ay nagdudulot pa ng masamang epekto sa balat. Ang mas mainam pa rin ngang paraan upang manatiling bata at maganda ang ating mukha, ay ang lagi lang tayong maging positibo, ang manatiling masaya at nakangiti sa kabila ng mga problema na ating kinakaharap sa buhay.
