Connect with us

Entertainment

Celebrity Couple Desiree Del Valle At Boom Labrusca Magiging Soon To Be Parents Na Dahil Sa Ipinagbubuntis Ngayon

Published

on

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ng aktres na si Desiree Del Valle ang kanyang ika-39 taong kaarawan. At kasabay ng panibagong buhay na ipinagkaloob sa kanya, ay masaya rin naman nilang ibinahagi ng kanyang asawang si Boom Labrusca sa publiko na sila ay magiging mga magulang na, dahil sa ipinagbubuntis na niya ang magiging panganay na anak nila.

Noon nga lamang ika-28 nang ibahagi ng mag-asawang Desiree at Boom ang magandang balita, dahil sa pagdating ng munting biyaya sa buhay nilang mag-asawa.

Sa Instagram ni Boom ay makikita nito ang naging pagbabahagi nito ng serye ng mga larawan ng kanyang napakagandang asawa na si Desiree. At sa iba ngang mga larawan ay makikita na ang baby bump ng aktres na ibinida niya habang siya ay nakasuot ng two-piece swimsuit.

Maliban pa nga sa mga larawan na ito ni Desiree na kita na ang kanyang lumalaki ng baby bump, ay ibininahagi rin ni Boom sa IG post niya ang larawan ng positibong pregnancy test ng asawa at ang sonogram picture ng kanilang magiging baby, upang mas lalo pa ngang kumpirmahin sa lahat ang napakagandang balita na ito para sa kanilang pamilya.

Kalakip naman ng nasabing larawan ay ang bible verse na naging caption ni Boom, kung saan ay nagpapahiwatig din ng kanyang taos pusong pasasalamat sa Panginoon sa biyaya na ipinagkaloob nito sa kanilang mag-asawa.

“Believe in what you Pray for’ At the right time, I, the Lord will make it happen’ Isiah 60:22”
Ayon pa sa naging caption ni Boom, nalaman lamang nila ang pagdadalangtao ng asawa niyang si Desiree Del Valle noong ika-22 ng Abril. Dagdag pa niya, ay talaga namang excited na siya na masulyapan at makapiling nilang mag-asawa ang kanilang munting anghel.

Hindi rin naman nakalimutan ni Boom na batiin ang kanyang misis para sa kaarawan nito, kaya naman isang matamis na mensahe rin ang ibinahagi niya para rito. “Btw it is also my darling’s b-day today. So happy happy bday to my best friend, my wife, my Life.”

Bumuhos naman ang napakaraming mga pagbati para sa mag-asawa mula sa kanilang mga kaibigan sa industriya ng showbiz. Kabilang nga sa mga personalidad sa industriya ng nagpa-abot ng kanilang congratulatory message para sa soon-to-be-parents ng sina Desiree at Boom ay sina Jodi Sta. Maria, Kaye Abad, Larah Quigaman, at Charlie Dizon.

Maliban nga sa magiging anak nina Desiree at Boom, ay nauna ng nakilala ng publiko ang anak ni Boom na si Tony Labrusca sa dati nitong nobya na si Angel Jones. Taong 2016 ng makilala ng lahat si Tony ng ito ay sumali sa TV show na “Pinoy Band Superstar.”

Matatandaan naman na nagsimula ang magandang pagtitinginan nina Desiree at Boom ng sila ay magsama sa proyektong “Aryana” ng ABS-CBN noong taong 2012, kung saan matapos nga ang anim na taon mula ng gawin nila ang nasabin serye ay nagpakasal na ang dalawa.