Connect with us

Entertainment

Celebrity Couple na Sina Michelle Vito At Enzo Pineda Ipinasilip Ang Romantic Trip Nila Sa Bansang Paris

Published

on

Tunay namang napakasarap sa pakiramdam ang mag-travel kasama ang taong iyong minamahal, kaya naman ang celebrity couple na sina Michelle Vito at Enzo Pineda ay masayang ipinisilip ang kanilang romatikong pagbabakasyon at pamamasyal sa napakagandang lugar a Paris, France.

Matatandaan na sina Michelle at Enzo ay nagsimulang magkamabutihan ng sila ay magsama sa proyektong “Nang Ngumiti ang Langit” isang teleserye ng ABS-CBN na umere noong taong 2019.
Magmula nga ng isapubliko ng magkasintahan ang kanilang relasyon ay tila nga mas lalo pang tumitibay at tumatamis ang pagmamahalan ng dalawa at ito ay kitang kita naman talaga sa pinaka-latest photo na kanilang ibinahagi na kuha nga sa kanilang naging masaya at romatikong bakasyon.

Sa kasalukuyan nga ay nasa bansang Paris, France ang magkasintahan kung saan ay binisita nga nila ang iba’t iba at magagandang tourist destination ng naturang lugar katulad na lamang ng Louvre kung saan ito nga ang isa sa mga “world’s most visted museum. Hindi rin nga nakaligtaan ng magkasintahan na pasyalan ang “worlds famous Eiffel Tower” kung saan dito nga sila nagpakuha ng mga sweet photos nilang dalawa.

Makikita sa Instagram account ng Kapamilya actor ang naging pagbabahagi niya ng mga sweet photo’s nila ng kasintahan at kalakip pa nito ay ang kanyang sweet caption.
“The only thing that melts faster than ice cream is my heart #BoyHugot #HugotSerye #HugotSilog”, saad ni Enzo a caption ng kanyang IG post.

Sa unang buwan ng taong 2022 ay matatandaan na nakapanayam ng PUSH ang magkasintahan kung saan ay inamin ni Enzo na para sa kanya ay ang nobyang aktres nga na si Michelle Vito ang nais na niyang makasama habangbuhay at handa na rin naman siyang mag-settle down kung gugustuhin na nga nito.

“Of course, we wouldn’t be in a relationship right now if hindi namin nakikita ‘yung future namin together. Definitely, nasa utak ko ‘yun. But as of the moment, I think dapat mag-focus muna kami sa careers namin. And Michelle is also busy with a lot of things. Pero ako naman, to be honest, anytime pwede naman ako. Because I really see Michelle as… alam niyo na. And if we’re both ready, why not, ‘di ba? Ako, game na game ako.”, ani Enzo.

Samantala, sa parehong panayam din ibinahagi ni Michelle kung ano ang dahilan at sa dami ng mga manliligaw niya ay ang dating co-star niya ang kanyang sinagot at pinili na maging nobyo.
“Siya yung consistent talaga na mag-effort, ganyan so yun yung nag-matter talaga. Kasi parang sa umpisa naman talaga meron naman talaga sa tao kung ano yung type natin, ganyan. May standards tayo kung ano ba ang gusto natin. But sa huli kasi ang mag-ma-matter talaga is yung ugali, yung personality nung tao and yung love talaga,” ani ng Kapamilya actress.