Connect with us

Entertainment

Celebrity Couple Na Sina Sam Milby At Catriona Gray Ibinagi Ang Mga Sweet Moments Ng Magbakasyon Sila Sa Bansang Canada

Published

on

Tunay nga naman na napakasarap sa pakiramdam ang magtungo sa mga magagandang lugar, lalo na kung ang makakasama mo ay ang taong iyong pinakamamahal, lalo na kung puro masasayang ala-ala ang bubuuin niyo sa lugar na inyong pupuntahan.

Samantala, habang tumatagal ay tila mas lalo pa ngang tumatamis ang pag-iibigan ng celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby. Ang kanilang matamis na pagmamahalan ay muling nagpakilig sa marami nilang mga tagahanga at tagasubaybay, ito ay matapos nga nilang ibahagi ang mga sweet moments nilang magkasintahan ng sila ay magbakasyon sa bansang Canada. Ang bansang Canada ay talaga namang isa sa mga bimibisita at pinupuntahang bansa ng marami sa atin.

Sa isang larawan nga ng magkasintahan na ibinahagi ni Catriona sa kanyang Instagram account ay makikita nga ang naging matamis na paghalik sa kanyang pisngi ng boyfriend niyang si Sam. Maliban sa nakakakilig na moments na ito ng magkasintahan, ay mapapansin din ang napakagandang view kung saan kinunan ang kanilang larawan, dahil makikita nga ang snow flake mountain at ang frozen Lake Louise.

“Sorry brb, getting lost in the mountains”, ang ibinahagi ngang caption ng dating Miss Universe 2018 title holder sa larawan nga na ito sa kanyang Instagram.
Isa pa nga sa mga talagang nakakakilig na larawan ng magkasintahan, ay ang larawan kung saan masisilayan naman na sila ay magkasamang nakatingin sa napakagandang tanawin ng mga kabundukan sa Jasper National Park sa Alberta, Canada.

“Every view is better with you”, saad sa caption ng larawan.
Ayon sa ulat, ang magkasintahan ngang sina Sam at Catriona ay nasa Canada para sa isang “One Magical Night” concert tour, kung saan ay kanila ngang kasama sina Rayver Cruz at Marcelito Pomoy.
Habang nasa bansang Canada rin ang celebrity couple, ay doon na rin nga nila masayang ipinagdiwang ang ika-38 taong gulang na kaarawan ni Sam, na nagdiwang nga noong ika-23 ng buwan ng Mayo.

Matatandaan na buwan ng Mayo taong 2020 ng isapubliko nina Catriona at Sam ang kanilang relasyon bilang magkasintahan, ito ay makalipas din ang ilang taon magmula ng maging usap-usapan nga ang pagkakaroon nila ng ugnayan dahil sa madalas nga silang ma-spotta na magkasama at sweet sa isa’t isa.
Si Sam Milby ay isang kilalang aktor at mang-aawit sa industriya ng showbiz, samantala si Catriona Gray naman ay kilala ng publiko bilang ang hinirang na Miss Universe noong 2018.