Connect with us

Entertainment

Celebrity Mom Marjorie Barretto Ibinahagi Ang Night Out Bonding Ng Kanyang Mga Anak

Published

on

Kung ang pagiging isang ina ang pag-uusapan, isa sa mga celebrity mom na hinahangaan ng marami ay si Marjorie Barretto, ito ay dahil sa naging katangian niya na itaguyod at palakihin ng mag-isa ang kanyang mga anak. Hindi din maipagkakaila na napuno ni Marjorie ng pagmamahal ang kanyang mga anak, kaya naman talagang siya’y malapit sa mga ito.

Bilang isang ina, maliban sa kanyang pagmamahal para sa kanyang mga anak, ay suportado din ni Marjorie ang mga ito, sa kung ano ang nais ng bawat isa na tahakin sa kani-kanilang mga buhay. Batid naman natin na ang mga anak ni Marjorie na sina Julia, Claudia at Dani ay pareho ng aktibo sa limelight, ito man ay mapa-showbiz o sa kani-kanilang ibang karerang tinatahak at sa kabila nito ay proud mom si Marjorie sa kanyang mga anak.

Samantala, nito lamang nakaraang ika-12 ng Hulyo, ay muling nasilayan ng publiko kung gaano kalapit si Marjorie sa kanyang mga anak, ito ay matapos ngang ibahagi ng celebrity mom sa kanyang Instagram account naging evening bonding niya kasama sina Julia, Claudia at Dani habang sila ay nagdi-dinner sa isang restaurant.

Kalakip ng larawang ibinahagi ni Marjorie ay ang kanyang caption kung saan inilahad niya na kung gaano ka-rewarding sa isang ina ang magkaroon ng mga anak na babae na nagsisilbi ding mga bestfriend niya. Makikita nga sa larawan kung gaano sila kasaya na mag-ina sa naging dinner at night bonding nila.

Ayon din kay Marjorie, extra special para sa kanya ang magkasama-sama sila ng mga anak niyang babae sa isang dinner, lalo na’t nitong mga nakaraan ay bihira nga silang magkasama, dahil sa pagiging abala ng mga ito sa kani-kanilang karera.

Paglalahad pa ng celebrity mom, ang maka-kwentuhan ang kanyang mga anak ay tila daan upang makapag-recharge siya, at isa din ito sa dahilan kung bakit talagang ipinagmamalaki niya ang pagiging isa niyang ina.

“The rewards of having grown up daughters who are also your best friends… a fun night out! I’m finally able to catch up with my girls, it gets harder and harder to put us all together in one place lately, so this dinner date with them is extra special to me. Having adult conversations with them and keeping it positive and light just has a way of recharging me.This is one of the many reasons why I love being their Mom”, saad ni Marjorie sa kanyang IG post.

Maliban sa mga anak ni Marjorie na babae na sina Julia, Claudia at Dani ay may isang anak din siyang lalaki at ito ay si Leon at siya’y may bunsong anak pang babae at ito ay si Erich, na noong nakaraang buwan lamang ay kasama niya ang mga ito na nagbakasyon sa bansang Singapore.

Sa mga anak ni Marjorie ay si Dani Barretto ang pinaka-panganay at ito ay anak niya sa ex-boyfriend niyang si Kier Legaspi na isang aktor. Samantala sina Julia, Claudia at Leon naman ay anak ni Marjorie sa dati niyang asawa ng aktor na si Dennis Padilla kung saan umabot din sa 12-taon ang kanilang pagsasama bago ito nauwi sa hiwalayan. Ipinakilala naman ni Marjorie sa publiko ang bunsong anak niyang si Erich noong taong 2018, kung saan ayon kay Marjorie ang ama ni Erich ay ang dating Caloocan City Mayor at Congressman na si Enrico ‘Recom’ Echiverri.