Entertainment
Celebrity Mom Na Si Andi Eigenmann Looking Fresh At Blooming Pa Rin

Ipinagdiwang ng vlogger at celebrity mom na si Andi Eigenmann nito lamang nakaraang buwan ng Hunyo ang kanyang ika-32 taong gulang na kaarawan. Kahit naman isa ng ganap na ina at nasa ead 32 na si Andi, ay makikita pa rin sa kanya ang pagiging looking fresh at blooming.
Sa ibinahagi na larawan ni Andi sa kanyang Instagram nito lamang nakaraan ay makikita ng ang hindi pa rin kumukupas ang taglay na kagandahan ng dating aktres. Ang larawan nga na ito ng vlogger at celebrity mom ay may kalakip na #WokeUpLikeThis kung saan isa ngang napakagandang ngiti ang kanyang ipinamalas sa harap ng kamera noon ngang ika-27 ng Hunyo, umaga ng araw ng Lunes.
“My woke-up-like-dis selfie entry as I turned 32!”, caption ni Andi sa kanyang larawan.
Dagdag pa sa caption ng aktres ay ang kanyang pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng pagbati para sa kanyang ika-32 taong gulang na kaarawan. Ibinahagi rin ni Andi na na-i-upload na niya sa kanilang YouTube channel na ‘happy Islander; ang masayang bakasyon nila ng kanyang pamilya sa Bali, Indonesia.
“Thank you for all the Bday greets!
“Late post just as everything else lately! I have been celebrating life with my family here in Bali! The beginning of this adventure is already uploaded on our YouTube channel, and we’ve been filming more of that here so stay tuned for more #HappyIslanders Bali adventures on the channel!”
Matatandaan nga na noong ika-25 ng buwan ng Hunyo ng ipagdiwang ni Andi ang kanyang ika-32th birthday. At sa espesyal na araw nga na ito sa buhay ng vlogger at celebrity mom ay hindi nga nagpahuli ang fiancée niyang si Philmar Alipayo na magbahagi ng ‘heartfelt birthday greetings’ para sa kanya. Sa Instagram ni Philmar ay makikita ang naging sweet na pagbati at mensahe nito para kay Andi.
“Happiest birthday my Mahal…. Having you in my life is nothing but a blessing, blessing kaw sa amo na mga bata. Gusto ko malipajun kaw mintin lada adlaw sanan mag lingaw ta koman sa ato first family diri sa Bali ID love you so much na way makalabaw [kissing emoji]”, ang mensahe nga ni Philmar para kay Andi sa kaarawan nito.
Nito nga lamang nakaraan ay lumipad patungong Bali, Indonesia si Andi at Philmar kasama ang kanilang mga anak na si Lilo at Koa. Kasama rin nila ang anak ni Andi na si Ellie. Ang trip na ito nina Andi at Philmar sa Bali, kasama ang mga anak nila, ay kauna-unahang first out of town nilang pamilya.
