Connect with us

Entertainment

Charlene Gonzales At Aga Muhlach Nagtungo Sa Puerto Galera Upang Bisitahin Ang Kaibigang Si Willie Revillame

Published

on

Parte na ng buhay ng isang tao ang magkaroon ng kaibigan, na maliban sa kanyang pamilya ay siya nitong masasandalan at magigin kaagapay sa anumang pagdaanan niya sa kanyang buhay.
May pagkakataon nga sa ating buhay na mas nalalapitan natin ang isang kaibigan, kaysa sa ating pamilya kaya naman napakaswerte mo, kung mayroon kanyang matalik na kaibigan na laging nasa iyong tabi at hindi ka basta-basta iniiwan.

Ang kaibigan ay maari mong makilala kahit saan, ang iba ay kaibigan simula pa ng sila ay bata pa at ang iba naman ay nasimulan ang pagkakaibigan ng magkasama sa eskwelahan o trabaho.

Kagaya na nga lamang ng magkaibigan na batikang aktor na si Aga Muhlach at TV host na si Willie Revillame, na nagsimula ang pagkakaibigan noon pang dekada 80. Silang dalawa ay nagkakilala at naging magkaibigan ng sila ay nasa mundo na ng showbiz industry, kung saan ay pareho sila na nabibilang sa mga mahuhusay na aktor ng industriya.

Samantala, kamakailan lamang sa isang IG post ni Aga, ay kanyang ibinahagi ang muli nilang pagkikita ng isa sa kanyang matalik na kaibigan sa showbiz na matagal din niyang hindi nakita, at ito ay si Willie Revillame.

Noon ngang ika-23 ng Marso, kasama ang kanyang misis na si Charlene Gonzales, isang beauty queen-host ay nagtungo si Aga sa pribadong resort ni Willie sa Puerto Galera. At sa post nga ng batikang aktor, ay ibinahagi niya kahit matagal-tagal din silang hindi nagkita ng kaibigan ay wala namang nagbago sa kanilang samahan.

“A good friend since the 80’s! Puno ng paghihirap at Saya ang mga pinagdaanan natin din. Happy for what you’ve become, Willie. Continue to do what you do best, tumulong at magpasaya ng tao. Nice seeing you again! God bless you my friend. Cheers! Your turn to visit us soon! [wine glass cheering emoji] #sahirapatginhawa @willierevillame @itsmecharleneg”, ani Aga sa kanyang IG post.

Ayon pa nga kay Aga, masaya siya sa kung ano man ang narating ng kanyang kabigang si Willie ngayon sa buhay at karera nito. At bilang isang kaibigan ay proud siya sa kabutihan nito, lalao na sa pagtulong na ginagawa nito sa ating mga kababayan, hindi lang sa programa nito kundi maging sa personal na pagtulong na kanyang ginagawa sa ibang tao.

Batid ng marami sa atin na si Willie, ay isa sa mga mayayamang personalidad sa showbiz na hinahangaan ng marami, hindi lang sa kanyang pagiging isang matagumpay at mahusay na pagiging TV host kundi mas lalo sa pagiging isa niyang matulungin sa kapwa, lalo na sa mga kababayan nating nangangailangan.

Makikita nga sa IG post pa ni Aga ang mga larawan nila ni Willie na nag-uusap, na marahil ay ilan sa mga pinag-usapan nila ay ang mga pinagdaanan at karanasan nila sa buhay bago nila narating kung ano man ang estado ng pamumuhay nila ngayon.