Connect with us

Entertainment

Cheska Garcia Pina Hanga Ang Mga Netizens Nang Ipasilip Ang Kanyang Napakaganda At Nakaka-Relaks Na Hardin

Published

on

Mula ng magkaroon ng krisis sa ating bansa ay kailangan nga na mas mamalagi tayo sa loob ng ating mga tahanan at iwasan ang paglabas upang maiwasan na makakuha tayo ng lumaganap na karamdaman. Kung kaya naman ang iba na nanatili sa kanilang tahanan, upang maiwasan ang mabagot, ay gumagawa ng mga bagay na makakapagbigay libangan sa kanila.

Isa na nga sa mga naging libangan ng marami sa atin noong panahon ng pandemya ay ang pagtatanim ng mga halaman, kung saan ay talagang marami ang naging ‘plantito’ at plantita’. At ang iba nga ay mas napakaganda pa ang kanilang tahanan dahil sa pagpaparami nila ng kanilang mga halaman.

Kabilang nga sa mga naging libangan ang pagtatanim at pagpapaganda ng kanilang bakuran sa panahon ng krisis ay ang aktres at maybahay na si Cheska Garcia Kramer.

Makikita sa Instagram account ni Cheska nito lamang nakaraan ang naging pagbabahagi niya ng naging pagpapaganda at pag-aayos niya ng kanyang garden, sa pamamagitan nga ng pag-post ng mga larawan nito.

“Big win” kung ituring ni Cheska ang kinalabasan ng naging pagsasaayos ng kanyang garden dahil sa talagang lumabas itong napakaganda at nakaka-relaks. “A lovely evening to all! [red heart emoji] Been working on our garden for a week now and I am pretty happy with how it’s turned out. Small joys are big wins especially during this time.”

Sa ganda nga ng garden na ito ni Cheska ay masasabing pinaghirapan at pinag-isipan itong mabuti.
Mapapansin na ang mga puno na nakatanim sa garden ay naka-pwesto sa magandang lokasyon, at ang mga halaman ay naka-ayos ng tanim.

Isang solar light naman ang nagbibigay liwanag sa garden na ito ng aktres, na mas nagbigay nga ng magandang view at vibe dito. Naging perfect din itong pahingahan at tambayan ng kanyang pamilya dahil cozy at relaxing ang tanawin nito. Idagdag oa nga ang nilagay ni Cheska dito na garden table set na may payong para magamit kapag sila ay tumatambay dito ng kanyang pamilya.

Picture-perfect din ang napakagandang city lights view na natatanaw mula sa kanilang bahay.
Bumuhos naman sa comment box ng post na ito ni Cheska ang napakaraming mga komento mula sa mga netizens na namangha sa ganda ng garden ng aktres. “Omg, so nice! Love those solar garden lights.” “Wow!!!! Beautiful” “Beautiful garden and view!” “Chill and relaxing place”