Showbiz
Coco Martin May Kapatid Rin Pala Na Umaapaw Ang Kagwapuhan

Si Coco Martin ay isa sa mga iniidolo at hinahangaang aktor ngayon sa mundo ng showbiz. Siya ay mas kilala sa kanyang pagiging mahusay na action star na kanyang patuloy na ipinapamalas sa pinagbibidahan niyang teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Samantala, marami sa atin ang hindi nakakaalam na bago pinasok ni Coco Martin ang showbusiness, ay una muna niyang ipinamalas ang kanyang husay sa pag-arte sa pag ganap ng mga karakter sa mga Indie Movies kaya naman tinagurian siya bilang “Prince of Indie Movies.”
Maliban pa sa pagiging kilalang aktor ni Coco, ay hinahangaan rin siya ng kanyang pamilya ay mga umiidolo sa kanya bilang isang ‘family centered person’, kung saan ay bago nga ang lahat ay mas inuunan niya ang kanyang pamilya. Kaya naman ang kanyang nakababatang kapatid, ay sobrang iniidolo si Coco.
Nagngangalang Ronwaldo ang nakababatang kapatid ni Coco, at ito nga ay nasa edad 20 na. Dahil sa iniidolo niya ang kanyang nakatatandang kapatid na akto, ay nais din umano ni Ronwaldo na maging katulad ng kanyang kuya na makabuo rin ng sarili niyang pangalan sa larangan ng industriya ng showbiz.
May payo naman umano si Coco sa kanyang nakababatang kapatid, at ito nga ay upang mahasa ang kakayahan nito sa pag-arte ay mas mainam na tularan siya nito na magsimula muna sa pagbida sa mga Indie Film.
Daan din umano ang pagsabak ni Ronwaldo sa Indie Film para maging handa siya sa mga pagsubok sakaling pasukin niya ang napakalaki, magulo at puno ng kontrobersiya na mundo ng showbiz.
Sa kasalukuyan ay nagsisimula na ngang bumuo ng sarili niyang pangalan si Ronwaldo. Siya rin ay nanalo na ng iba’t ibang mga awards dahil sa mga naging mahusay niyang pag-ganap sa mga Indie Film na kanyang kinabilangan.
Minsan na ring naipakita ni Ronwaldo sa telebisyon ang kanyang husay at talento sa pag-arte ng siya ay mabigyan ng ‘role’ sa mismong palabas ng kanyang nakatatandang kapatid na si Coco Martin sa Primtime series nito na “FPJ’s Ang Probinsyano.” Makikita naman na tulad ni Coco ay may dating at taglay na kagwapuhan rin ang kanyang nakababatang kapatid na si Ronwaldo, at may posibilidad na maging isa rin itong mahusay na aktor.
