Connect with us

Entertainment

Coleen Garcia At Billy Crawford Ipinasilip Ang Masayang Bonding Sa Kanilang Nakakagigil Na Anak Na Si Amari

Published

on

Lagi nating nasasabi na isa sa pinakamahalaga sa buhay natin ay ang ating pamilya, ngunit bakit nga ba? Ito ay dahil sa ang ating pamilya ang siyang una sa lahat ng tao na magiging katulong mo sa lahat ng bagay, sa lungkot man o saya, sa hirap man o ginhawa, magkasama niyo itong haharapin ng iyong pamilya.

Batid rin natin na ang ating pamilya ay isang biyaya mula sa Panginoon, na siya mismo ang naglagay sa buhay natin sa ating pamilya, kaya naman kailangan na ipagpasalamat natin ang pagkakaroon natin ng pamilya, at mahalin natin ang bawat miyembro nito.

Katulad na nga lamang ng TV host na si Billy Crawford, na kailan lamang ay ibinahagi kung gaano kahalaga sa kanya ang kanyan pamilya, at kung gaano siya nagpapasalamat sa Panginoon na binigyan siya ng pagkakataon na bumuo ng sarili niyang pamilya.

“Family is everything! Thank you, Jesus”, saad ni Billy sa kanyang isang IG post.
“Everything” para sa TV host ang kanyang pamilya, dahil para sa kanya ay ang asawa at anak niya ang kanyang lahat-lahat, at mas mahalaga pa ang mga ito kaysa sa sarili niya.

Talaga namang mahal na mahal ni Billy ang kanyang mag-ina. At maliban sa pagpapasalamat sa Panginoon na binigyan siya ng pagkakataon na magka-pamilya, ay ipinagpapasalamat niya rin na si Coleen ang kanyang naging asawa, at ang napaka-kyut na si baby Amari ang kanilang naging anak.
Masasabi rin natin na napakapalad ng actress-host na si Coleen Garcia sa kanyang asawang si Billy,

dahil sa maliban sa pagiging mapagmahal at maalaga nito, ay napakaresponsable din nito bilang isang padre de pamilya. Hindi nga naman nakapagtataka kung bawat larawan ng pamilya nila na ibinahagi sa kani-kanilang IG accounts, ay makikita na punong-puno ng saya ang mga larawan, at mababakas rin ang labis na pagmamahal na nagbubuklod sa mga ito.

Sa IG account ng mag-asawang Billy at Coleen, ay madalas silang nagbabahagi ng kanilang mga family picture, kung saan ay makikita naman ang masayang bonding moments nilang pamilya, lalo na’t mas nakakagigil ng laruin ngayon ang kanilang anak na si Amari dahil sa nakikisabay na rin ito sa tawanan ng kanyang mga magulang.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa masayang pamilya na nakikita nila sa pamilya, kaya naman ang iba sa kanila ay nagbigay ng kanilang mga komeno. “Iba kapag si Lord ang center ng relasyon at pamilya, tingnan mo to ang strong talaga si Jesus kasi foundation kaya nae enjoy nila ang kanilang relasyon at pamilya.”

“Super cute and healthy. Manag mana si Amari sa kanilang dalawa talaga ahay.”
“Cute ang baby nyo.. happy family, enjoy” “Grabe talaga si Bil ay Coleen, since then fan na fan talaga nila ako. Bicol at its finest mas masaya ngayon anjan na si Amari happy family talaga sana all.”

Samantala, tunay ngang ang relasyon ng isang pamilya, ay mas nagbubuklod kapag ang Panginoon ang sentro nito, tulad na nga lamang ng masaya at punong puno na pagmamahalan ng pamilya nina Coleen at Billy, kasama ang kanilang anak na si Amari.