Connect with us

Entertainment

Comedian Actress Regine Angeles Ipinakita Ang Nakaka Aliw Na Twinning Photo’s Nila Ng Kanyang Pamilya

Published

on

Sa Instagram post ng actress-comedian na si Regine Angeles kamakailan lamang, ay kanyang ibinida ang larawan ng kanyang masayang pamilya. Kung saan ay kinaaliwan naman ng mga netizens ang nasabing larawan dahil sa twinning ang mga kasuotan nila ng kanyang mga anak.

Makikita sa larawan na ibinahagi ng komedyanteng aktres ang matching outfits nila ng kanyang mga anak na kulay rosas, kung saan ayon sa kanyang naging caption ang get-up na ito nilang mag-ina ay gawa ng @twiloph.

“Sunday’s best! [heart emoji] Thank you @twiloph for our matching clothes”, ang naging caption ni Regine Angeles. Marami ngang mga netizens ang talaga namag naaliw at nakyutan sa larawan ng mag-iina, at maging ang iba sa mga kaibigan ni Regine sa showbiz ay nagbigay ng papuring komento sa naturang larawanna ibinahagi ng aktrres. Kabilang nga sa mga nagbigay ng komento ay ang dating aktres na ngayon ay isa na ring ‘mommy’ na si Charee Pineda.

“Cute niyo”, ang naging komento ni Charee. Maging ang “Twiloh” ang kumpanya na gumawa ng matchy outfit ni Regine at ng kanyang mga anak, ay nagbigay rin ng komento sa larawan ng aktres. Pinasalamatan din nito ang aktres para sa pagbabahagi ng larawan, kung saan makikita ngang suot ng mga ito ang kanilang produkto.

“Happy Sunday @regineangeles and kiddos!! Thanks for sharing”, komento ng Twiloh.
Naging kapansin-pansin naman sa mga netizens na hindi kasama ni Regine at ng kanyang mga anak ang ama ng tahanan na si Van Leano.

“Such a beautiful family talaga! Diba naki matchy matchy si @vanleano?”, ang komento ng isang netizens. Binigyang kasagutan naman ng aktres ang komento na ito ng netizens, kung saan ay sinabi niya na kaya wala sa nasabing larawan ang kanyang asawa ay dahil sa KJ ito at ayaw na makipag matchy-matchy sa kanila.

Si Regine at ang kanyang asawang si Van Leano ay mayroon ng dalawang anak, kung saan ang nauna nilang anak ay isang lalaki. At matatandaan na noon lamang nakaraang taon, buwan ng Oktubre isinilang ng komedyanteng aktres sa pamamagitan ng ‘normal delivery’ ang kanilang ikalawang anak, na isang malusog na baby girl.

Bago pa man nga isinilang ni Regine ang ikalawang anak, ay nauna munang ibinahagi ng aktres sa kanyang social media account ang kanilang baby gender reveal, kung saan ito ay ginawa nila sa pamamagitan ng isang video clip na makikita ang naging pagputok nila ng lobo na nagbunyag nga na baby girl ang magiging anak nila ng kanyang asawa.