Connect with us

Inspiring

Dahil Sa Pagiging Isang 4P’s Iskolar Isang Binata Ang Matagumpay Na Engineer Ngayon

Published

on

Isa sa mga programa ng gobyerno ngayon na masasabi nating may malaking naitulong sa mga kababayan nating mahihirap, lalo na sa mga estudyanteng hirap na makapagtapos ng kanilang pag-aaral ay ang programang 4P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Nito nga lamang nakaraan, ay isang 4P’s iskolar ang ibinihagi ang kanyang kuwento ng tagumpay kung paanong mula sa kahirapan ng buhay ay naisakatuparan niya ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at maging isang engineer sa tulong nga ng programang 4P’s.

Sa PEP ay ikinuwento ng binatang si Marvin ang kanyang naging pagsisikap upang mabigyan ng katuparan ang pangarap niya sa buhay.
“Kabilang po ang aming pamilya sa beneficiary ng 4P’s na programa ng gobyerno”, ang naunang pahayag ng binata.

Dagdag pa niya, talaga namang masasabi niyang hirap ang kanilang buhay, dahil sa halos isang kahig-isang tuka lamang, lalo na at ang ikinabubuhay ng kanyang mga magulang ay ang pagsasaka at pagkokopra na minsan pa ay talaga namang matumal ang ani, at wala pa nga minsan lalo na kung madadaanan ito ng kalamidad.

“Pagsasaka at pagkokopra po ang ikinabubuhay ng aming pamilya – isang kahig, isang tuka.”
“Madalas, hirap kami na makakain nang tatlong beses sa maghapon lalo na kapag may kalamidad o matumal ang ani.”

Pagbabahagi ni Marvin, nang mabigyan ng oportubidad na makapag-aral sa tulong ng programan 4P’s ay hindi niya ito pinalampas. Taong 2015 ng kumuha siya ng Bachelor of Science In Civil Engineering sa Bicol Uiversity. Saad pa niya, sa kanilang magkakapatid ay siya ang kauna-unahang nakatuntong sa kolehiyo.

“Hindi ko po pinalampas ang oportunidad kahit medyo may kalayuan ang unibersidad mula sa amin. Nagsakripisyo din po ako sa loob ng limang taon”, ani Marvin.

Kuwento pa ng binata, sa kabila ng pagiging iskolar niya ay masasabi niyang hindi pa rin naging madali ang mga pinagdaanan niya. Dahil unang taon pa lamang niya sa kolehiyo ay agad na siyang sinubok, matapos ngang pumanaw ng kanyang ama. Ngunit kahit mahirap at masakit ang pangyayari na ito, ay pinilit niya na mas maging matatag pa para sa kanyang pamilya.

Mas lalo ngang nagsumikap si Marvin. At tuwing summer vacation, dahil wala silang natatanggap na allowance, ay minabuti niya umano ang magtrabaho tuwing bakasyon para makatulong pa rin siya sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya.

Pagbabahagi pa niya, sa loob ng limang taon, ay hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang lumuha dahil sa hirap, kung saan sa bawat pagsubok na dumarating umano sa kanya noon ay tila gusto na nga niya sumuko. Pero dahil sa nanaig ang kagustuhan niyang mabigyan ng mas maayos na buhay ang kanyang pamilya, ay nagpatuloy lamang siya hanggang sa makamit na nga niya ang pangarap.

Ngayon nga ay masayang ibinahagi ni Marvin na lahat ng kanyang naging pagsusumikap ay nagbunga na, dahil isa na siyang enhinyero. Ipinarating din niya sa lahat ng nagbabayad ng buwis, na may magandang naidudulot ang buwis ng mga ito.

“Ngayon isa na po akong inhenyero at ito po ang gusto kong ipagpasalamat sa inyo. Gusto kong iparating na may magandang naidudulot po ang buwis niyo.”
“Salamat po!”