Connect with us

Inspiring

Dalawang Pilipinong OFW Sa Saudi Arabia Nagtatrabaho Bilang Personal Assistant Ng Prinsesa At Prinsipe

Published

on

Dahil sa kakulangan ng mapapasukang trabaho sa ating bansa at sa hirap ng buhay na nararanasan ng marami sa atin, ay ilan nga sa atin mga kababayan ang pinili ang makipagsapalaran at magtrabaho sa ibang bansa. May ilan naman tayong mga kababayan na sa kabila ng pinagdaanang hirap bago makarating sa bansang kanilang pinagtatrabahuan ngayon, ay maswerte namang nakapasok sa mga amo nila na pamilya kung sila ay ituring at nagbigay sa kanila ng magandang oportunidad.

Halimbawa na lamang nga nito ay ang dalawang Pilipinong OFW (Overseas Filipino Worker) na sina Elizabeth Hernandez at Salvador Esguerra Jr., na parehong nagtatrabaho ngayon sa bansang Saudi Arabia at nagkaroon ng maganda at maayos na employer sa naturang bansa sapagkat mga dugong bughaw ang kanilang mga amo.

Sa episode ng Dapat Alam Mo! Ng GMA News and Public Affairs noong ika-4 ng Hulyo 2022, ay ibinahagi ng ani Elizabeth ang buhay niya bilang isang OFW na ang trabaho ay personal assistant ng isang royal family sa bansang Saudi Arabia. Ayon kay Elizabeth dalawampung taon na siya sa kanyang amo, at kung ituring nga siya ng mga ito ay pamilya na. Siya’y 46-taong gulang at mula sa San Pablo, Laguna.

Bago umano siya lumipad patungong Saudi noong taong 2002, ay nagtrabaho muna siya bilang electronics specialist sa Pilipinas. Pero dahil sa hindi sapat ang kanyang sinasahod, at halos hindi nga nakakapag-ipon ay naisipan niya ang mangibang bansa. “Nag-start akong mag-apply 2002, nung time na as in walang-wala kami’, ani Elizabeth. Ibinahagi naman ni Elizabeth na dahil dugong bughaw ang kanyang amo, ay may mga bagay na bawal siyang gawin, lalo na pagdating sa pagka-pribado ng mga ito.

Saad niya, isa sa mga bawal niyang gawin ay ang banggitin ang pangalan nito, at ang ibahagi ang kabuuang bahay nito sa social media. Hindi rin maari na ibahagi niya sa social media ang larawan na kasama niya ito. “Kasi sa amin bawal talaga yung parang babanggitin mo yung pangalan nila.
“’Tapos yung bahay nila, so bawal ipakita lahat sa social media. Bawal yung ipo-post mo yung mukha nila na kasama mo sila.”

Kahit may mga restriksyon nga na tulad nito, ay masaya namang ibinahagi ni Elizabeth na maayos ang pagtrato sa kanya ng amo, at pamilya na nga kung ituring siya nito. Isa pa nga sa mga nagustuhan niya sa kanyang trabaho, ay ang pagkakaroon niya ng oportunidad na makarating sa iba’t ibang mga bansa dahil sinasama siya ng amo niya.

“Ang sarap-sarap. Iba yung pakiramdam dahil lalo na nag-iba’t ibang lugar na ako,” ani Elizabeth, na nakarating na sa London, Dubai, Jeddah, New York, Paris, Austria, at Switzerland.”
Isa din sa talagang ipinagpapasalamat ni Elizabeth sa amo niya ay tinulungan siya nito na maipagawa ang kanyang bahay sa Pilipinas at maging ang pagbibigay nito sa kanya ng mga gamit tulad ng mga branded na bags at sapatos.

Samantala, tila ganito rin ang buhay ni Salvador Esguerra Jr., dahil siya ay nagtatrabaho bilang isang private nurse ng isang prinsipe sa Saudi Arabia. Pagbabahagi naman ni Salvador sa Dapat Alam Mo! hindi naging madali ang pag-a-apply niya abroad, dahil tila nga siya’y dumaan sa butas ng karayom bago siya nakapunta sa Saudi.

Saad pa niya, siya ay mula sa Pangasinan at iniwan nga niya sa kanilang lugar ang kanyang asawa at dalawang anak, at ito ay sa kagustuhan niyang mabigyan ng maganda at maayos na buhay ang mga ito.
“Nag-start po ako 2017 ng February. Parang dumaan ako ng butas ng karayom, e. Kasi ang dami kong inaaplayan di ako makaalis.”

“Ang Diyos pala may purpose sa akin.” Ikinuwento naman ni Salvador kung ano ang trabaho niya bilang personal assistant, at ayon sa kanya ay 24-oras ang trabaho niya, ngunit sa kabila nito ay hindi naman ganun kabigatan ang kanyang trabahon ito. “Nagsisimula ng 3:00 a.m.-3:30 a.m. Ang trabaho ko rito ay 24 hours. “Yung matanda pag nagising na, yun, dire-diretso na yung trabaho.

“Hindi naman gaano kabigatan. Ang kalaban ko lang dito yung oras, mahaba, ‘tapos wala nang gagawin.
“Nakaupo ka lang. Tatawagin ka lang kung kailangan. Kung di matutulog yung matanda, hindi rin ako matutulog.” Tulad ni Elizabeth, marami na ring mga bansa ang narating si Salvador dahil sa kanyang amo. At ang isa din sa mga karanasan niya na talagang hindi niya malilimutan ay ang makasakay siya sa private plane at makapag-cruise ship ng dalawang buwan. Ipinagmalaki din na ibinahagi ni Salvador na dahil sa trabaho niya na ito ay nakapagpatayo na siya ng two-storey house sa Pangasinan.

Dagdag pa ni Salvador, ipinagpapasalamat niya sa Diyos ang magandang oportunidad na ito na ipinagkaloob sa kanya. Ipinagdarasal din niya na bigyan pa ng mahabang buhay at magandang kalusugan ang kanyang amo, sapagkat napakabuti nito “Nagpapasalamat ako sa Panginoon na maganda yung binigay Niyang opportunity sa akin dito. “Sana humaba pa ang buhay ng amo ko kasi ang bait ng amo ko, e.” Sa kabila ng kanyang magandang trabaho ay may iniwan namang payo si Salvador sa mga kapwa niya OFW. “Mag-ipon kayo dito sa abroad kasi hindi habang buhay nasa abroad po tayo.”