Connect with us

Entertainment

Danica Sotto Hinahangaan Dahil Sa Pagiging Mabuti Sa Kanilang Mga Kasambahay

Published

on

Tunay nga naman na kung ikaw ay mabuti sa iyong kasambahay ay hindi ka rin nila basta-basta iiwan at magtatagal nga naman ang paninilbihan nito sayo. Sa panahon ngayon ay napakahirap nga naman na humanap ng kasamabahay, ngunit mahirap din ang humanap ng amo na kung ituring ang isang kasamabahay ay kapamilya.

Isa nga sa mga hinahangaan ngayon ng marami ay ang mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris, ito ay dahil sa hindi nga lamang mga basta katulong sa bahay ang turing nila sa kanilang mga kasambahay, kundi ang mga it ay binibigyan nila ng pagmamahal at itinuturing din nila na parte ng kanilang pamilya.

Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ni Danica sa kanyang social media account ang larawan niya kung saan ay kasama niya ang isa sa kanilang mga kasambahay na ayon sa kanya ay matagal na ito sa kanila dahil teenager pa lamang siya ay kasa-kasama na niya ito saan man siya magpunta. Kalakip ng larawan ay ang mensahe niya kung gaano siya ka-thankful sa kasambahay nila na ito na kinilala ngang si Ate Ange.

“Happy birthday Ate Ange! Teenager pa lang ako tayo na ang magkasama. Sa shoots, taping kung saan na tayo nakarating. Ikaw din ang palagi napapa galitan ni Mommy pag-uuwi ako ng late galing gimmick before.”

“Thank you sa walang sawang pagmamahal at pag alaga mo sa akin noon hanggang ngayon hanggang pati sa mga anak ko. Love you!!!”

Ibinahagi nga rin ni Danica, na ang kasamabahay nilang si Ate Ange ang pangalawang tao na nakakita ng engagement ring niya, bago pa man nga mag-propose sa kanya ang asawa na niya ngayon na si Marc Pingris.

“Fun Fact: Ate Angie was the 2nd person who saw engagement ring from @jeanmarc15 bago pa siya mag-propose. (first person was my BFF @deniseinasia) Marc talk to her during one of our shoots back then at nagki-kuwento siya kay Ate Ange about his plan of proposing to me that night. Kaya pala when I saw her that time parang maluha siya paglabas ng dressing room.”

Kitang kita nga sa larawan at mensaheng ibinahagi ni Danica kung gaano niya binibigyang halaga ang kasambahay nilang si Ate Ange, kaya naman marami sa mga netizens na nakakita nito ay talaga namang positibo ang mga naging komento.

Ilan nga sa mga komento ay nagsabi na hinahangaan nila ang pagiging mabuti ni Danica sa kanilang mga kasambahay. At ang iba naman ay nagsabi pa na malalaman nga talaga na mabait ang isang tao kapag tumagal sa buhay nito ang kanilang kasambahay. May ibang netizens naman na pinuri ang pagiging mapagkumbaba at mabuti ni Danica, sa kabila ng tinatamasang kasikatan at yaman nito.

Ayon pa sa ibang mga ulat, madalas na nakakasama ng mag-asawang Danica at Marc Pingris ang kanilang mga kasambahay sa pagsu-zumba, at ito nga ang isa sa mga bonding moments nila.
Matatandaan na sina Danica at Marc ay ikinasal sa isang Christian Ceremony,

at noon buwan g Marso ay ipinagdiwang na nilang mag-asawa ang ika-14 taong anibersaryo nilang dalawa. Ang kanilang pagsasama ay nabiyayaan na ng dalawang anak, at ang mga ito nga ay sina Jean Michael at Aniella Micaela.