Connect with us

Showbiz

Dating Aktor Na Si Diether Ocampo Isa Ng Haciendero Na May Simple At Masayang Pamumuhay

Published

on

Kung angking kagwapuhan ang pag-uusapan at kasikatan bilang isang aktor, isa sa mga nangunguna riyan noong dekada 90 ay ang dating aktor na si Diether Ocampo. Si Diether kung inyo pang natatandaan ay isa sa mga sikat na aktor noon, at nabibilang din siya sa mga gwapitong aktor sa mundo ng showbiz na talaga namang nagbibigay kilig sa marami.

Dahil nga sa taglay na kakisigan at kagwapuhan ni Diether ay naging isa siya sa miyembro noon ng ‘The Hunk’, kung saan ay kasamahan niya ang ilan pa sa mga makikisig at gwapong aktor sa showbiz kagaya na lamang nina Carlos Agassi, Bernard Palanca, Jericho Rosales at Piolo Pascual.

Ayon sa mga lumabas na ulat, hindi kataka-taka na maging napakagwapo naman talaga ni Diether, ito nga ay dahil sa siya ay mula sa magandang lahi kung saan may lahi nga siyang Chinese, Spanish at German. Sa mga hindi pa nakakaalam, bago naging isang sikat na aktor si Diether, ay nauna muna siyang sumabak sa pagiging dancer at naging miyembro din nga siya ng bandang Blow kung saan siya ay nakilala bilang si Capt. Mongrel.

Noon ngang dekada 90 nagsimulang umarangkada ang karera ni Diether, kung saan kabilang nga siya sa mga popular na leading men noon at marami din siyang mga proyekto na ginawa mapa-telebisyon man o sa malalaking pelikula sa sinehan. Matatandaan naman na huling nasilayan ng publiko ang husay sa pagiging isang aktor ni Diether ng mapabilang siya noon sa teleseryeng ‘Bagani’ kung saan ay ginampanan niya ang pagiging isang apo.

Samantala, matagal na rin nating hindi nasisilayan sa telebisyon ang gwapo at mahusay na aktor, kaya naman marami ang nagnanais na malaman kung ano na nga ba ang pinagkakaabalahan nito ngayon sa buhay at kung nasaan na nga ba ito.

Kahit naman wala na sa showbiz si Diether, ay nanatili namang aktibo ang dating aktor sa social media kung saan dito nakakakuha ng impormasyon ang ilan sa kanyang mga tagahanga kung ano na nga ba ang buhay niya.

Sa isa ngang social media post ng dating aktor ay masisilayan na siya ay nakasakay sa isang kabayo, kaya naman ilan sa mga tagahanga niya ang naisip na marahil ay nagamay-ari ng maraming kabayo si Diether sa North Polo Club, sa Pulilan, Bulacan.

May isa namang komento ang tagahanga ng dating aktor ang naging agaw-pansin sa maraming netizens, ito nga ay ng sabihin nito na sa kasalukuyan nga umano ay abala si Diether sa pagiging hands-on sa pag-aalaga at pagpapakain sa mga alaga niyang kabayo. Tila naman talagang namumuhay na sa Pulilan Bulacan si Diether, dahil sa isa niyang IG post na nilakipan niya ng caption na “Buhay Pulilan Bulacan.”

Marami namang mga netizens ang nagsabi na marahil ay natupad na nga ni Diether ang pangarap niyang maging isang haciendero, ito nga ay base na rin sa mga masisilayang IG post nito sa kanyang social media account.

Tila naman sa edad ngayon na 47-taong gulang ni Diether ay wala pa rin itong pamilya o partner sa buhay sapagkat wala pang lumalabas na ulat patungkol sa buhay pag-ibig ng dating aktor. Matatandaan naman na minsan ng ikinasal si Diether, at ito nga ay sa aktres na si Kristine Hermosa noong taong 2004, ngunit naghiwalay din noong taong 2009. Sa kasalukuyan nga ay wala pa ring ipinakikilala si Diether na babae na nagpapasaya sa kanyang buhay.