Connect with us

Entertainment

Dating Aktres Na Si Charee Pineda Masaya Sa Tahimik Na Buhay May Pamilya

Published

on

Natatandaan niyo pa ba ang dating aktres na si Charee Pineda? Siya ay isa sa mga aktres sa showbiz noon na may taglay na napakaganda at among mukha. Siya din ang naka-loveteam noon ng aktor na si JM De Guzman sa ABS-CBN serye na “Batang Ama.”

Dahil sa pagkakaroon ng magandang mukha at husay sa pagiging isang aktres, ay nagkaroon rin si Charee Pineda ng iba’t ibang mga proyekto. Ngunit sa kabila nito, ay mas pinili niyang iwan ang kanyang showbiz career para pasukin ang mundo ng pulitika.

Matatandaan unti-unti ngang nilisan ni Charee ang kanyang karera, hanggang noong 2013 nga ay sumabak na siya sa unang beses niyang pagpasok sa pulitika. Nagwagi siya bilang councilor ng Valenzuela, kaya naman mas naging abala na nga siya bilang isang politician.

Makalipas din ang ilang taon ay bumuo na ng sariling pamilya ang dating aktres. Siya ay nagpakasal sa kanyang 7-taon ng boyfriend na si Martell Francesco Soledad, na pinsan ng TV personality na si Shalani-Soledad-Romulo.

Ilang buwan nga lamang matapos magpakasal, at mag-enjoy bilang mag-asawa ay agad namang nagdesisyon ang dalawa na bumuo na ng kanilang pamilya, kung saan ay ibinalita nga nila ang pagdating ng blessing sa kanila at ito nga ay ang pagbubuntis ni Charee sa magiging panganay nilang anak.

Isinilang ni Charee ang kanilang first baby ng kanyang asawa noong buwan ng Nobyembre taong 2020, at ito nga ay isang napaka-cute at napakalusog na baby boy, na agad din nga niyang ipinakilala sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya.

“My answered prayer. My baby Martell Francesco Soledad! So many blessings to be thankful for. First, thank you Lord for our super early Christmas present! Thank you for keeping us safe”, ang naging caption ni Charee, kalakip ang larawan niya at ng kanyang new born child.

Samantala, marami naman ang nakapansin na ilang buwan lamang matapos magsilang ni Charee sa kanyang panganay na anak, ay tila nga hindi nagbago ang ganda ng hubog ng katawan nito at mas lalo pa nga itong gumanda ng maging isa na itong mommy.

Sa ngayon ay abala si Charee sa pagiging isang hands-on mommy niya sa napaka-cute na anak nila ng kanyang asawa, na si baby Cesko at mas pinagtutuunan niya rin ng pansin ang kanyang binuong pamilya.