Connect with us

Showbiz

Dating Aktres Na Si Paw Diaz “Happy Mom” Ngayon Sa Bansang Singapore

Published

on

Si Paw Diaz ay nakapagtapos ng kanyang edukasyon ng elementarya at sekondarya sa St. Paul Montessori School sa San Pedro, Laguna, kung saan ay nagtapos nga siya bilang valedictorian ng kanilang klase. Taong 2003 hanggang 2005 naman ay nag-aral sa Perpetual Help Laguna ang dating aktres, at kumuha nga ng kursong Communication Arts kung saan dahil sa kanyang husay ay lagi siyang pasok sa pagiging isang Dean’s lister.

Taong 2003 rin ng manalo sa pageant na “Hiyas ng san Pedro Laguna” si Paw, at matapos ng kanyang pagkapanalo ay nag-audition siya para maging kalahok sa Binibining Pilipinas. Ngunit dahil sa nasa 17-taong gulang lamang siya noon, ay hindi siya tinanggap sa nasabing pageant.

Matapos ng hindi pagkakatanggap sa kanya bilang kalahok ng Binibining Pilipinas, ay sumali siya sa ikalawang season ng talent search noon ng ABS-CBN na “Star Circle Quest.” Nakapasok siya sa Top-15 ng nasabing talent search ngunit bigo naman siyang mapabilang sa Magic Circle of 10.
Ngunit sadya nga talagang nakatadhana na kay Paw ang makapasok sa mundo ng showbiz.

Dahil sa pamamagitan ng ‘wildcard’ kung saan ay nanalo siya dahil sa dami ng mga text vote na kanyang natanggap ay muli nga siyang nakabalik sa nasabing kumpetisyon. Sa pagtatapos ng kumpetisyon, ay nakuha niya ang ikatlong puwesto, at ang nagwagi nga noon bilang Grand Teen Questor ay si Erich Gancayco na ngayon ay kilala na ng publiko bilang ang aktres na si Erich Gonzales.

Matatandaan rin na muling sumali sa isang reality show si Paw, at ito nga ay ang “Qpids”, kung saan ang mga kalahok ay panay mga artista ng ABS-CBN. Ang kanya ngang mga nakasama sa kumpetisyon na ito ay sina Jill Yulo, Hazel Ann Mendoza, Carla Humpries, Isabel Blaesi, Vanessa Gomez, Andrea Torres, Karel Marquez at Pauleen Luna. Nang matapos nga ang nasabing patimpalak, ay tinanghal na Ultimate Love Team ang PawEl, na tambalan nga nina Paw Diaz at Mikel Compas.

Samantala, bilang isang aktres, ay batid natin na may angking husay at talent rin si Paw, kaya naman talagang marami rin siyang ginampanan na karakter sa iba’t ibang mga proyekto sa telebisyon. Ilan nga sa mga kinabilangan niyang serye ay ang Rounin(2007), Natutulog Ba Ang Diyos(2008), Tayong Dalawa(2009) at Magkano Ang Iyong Dangal (2010).

Isa naman sa mga naging leading lady role ni Paw ay ang proyekto niyang “Precious Hearts Romances. The Subtitle Bride, kung saan ay nakapareha niya ang aktor na si Rafael Rosell.
Huli namang napanood si Paw ng kanyang mga tagahanga sa seryeng “Maria La Del Barrio” na pinagbidahan ng tambalang Erich Gonzales at Enchong Dee, kung saan ay gumanap nga si Paw bilang kontrabida sa buhay ni Erich.

Ayon sa mga naging ulat, ng panahon na ito ay hindi na natapos ni Paw ang nasabing serye, dahil matapos niyang ikasal ay tuluyan na nitong iniwan ang kanyang showbiz career.
Sa naging panayam via email interview kay Paw noong buwan ng Setyembre taong 2020 ng PEP.ph, ay ipinaliwanag ni Paw na hindi bigla ang naging pagpapakasal niya at pagkawala sa nasabing seryem dahil bago pa man umano ibinigay sa kanya ang nasabing proyekto, ay naka-schedule na ang kanyang kasal at ito ay alam ng management.

“My wedding was already scheduled even before the show was offered to me. “The management was aware and the show was scheduled to conclude the August of that year. So we thought that I could do it and the timing was just right. “But then, there were some delays, and it had to air at a late period, which unfortunately clashed with my personal plans and so it had to be that way”, ang naging pahayag ng dating aktres.

Taong 2011 ng ikasal si Paw sa kanyang asawang si Fabian, at matapos ang kanilang pag-iisang dibdib ay agad ding nag-migrate sa Singapore ang mag-asawa. Sa ngayon nga ay mayroon ng dalawang anak ang dating aktres. Ang kanyang panganay na anak ay si Lucas na 6-taong gulang na, at ang ikalawa naman ay si Daniela na 2-taon na ang edad. Maliban sa pagiging isang housewife, ay nagtatrabaho na rin ngayon bilang isang data analyst for financial institutions si Paw, at abala rin siya sa pagba-vlog na sinimulan niya pa noong taong 2019.