Connect with us

Entertainment

Dating Aktres Na Si Vanessa Del Bianco Masaya At Tahimik Ang Pamumuhay Sa Amerika Matapos Iwan Ang Showbiz

Published

on

Natatandaan nyo pa ba si Vanessa del Bianco? Isa sa mga magaganda at seksing actress ng ABS-CBN na sumikat noong taong 90’s.

Si Vanessa Del Bianco ay isang Filipino-Italian na naging dating aktres sa Philippine showbiz industry. Mapapansin ang kanyang pagkakaroon ng dugong banyaga dahil sa kanyang pananalita na may pagka-slang at hindi masyadong pantay ang pagsasalita ng tagalog.

Isa si Vaness sa mga dating aktres na talaga namang naging agaw-pansin dahil sa kanilang angking ganda, kaseksihan at karisma na taglay at hindi rin maitatanggi na isa siya sa mga dating aktres na hinahangaan at pinapantansya ng maraming mga kalalakihan at maging ng mga sikat na aktor noon.

Matatandaan na kabilang si Vanessa Del Bianco noon sa huge show na “Gimik” taong 90’s, kung saan ay pinakita niya ang kanyang angking galing sa pag-arte bilang isang kontrabida.

Maliban pa nga rito ay kabilang pa siya sa show nina Willie Revillame, John Estrada at Randy Santiago noon na “Magandang Tanghali Bayan, kung saan naman niya ipinakita ang husay niya sa pagiging isang host.

Sa noontime show na “Magandang Tanghali Bayan”, nga unang nag trabaho ni Vanessa Del Bianco ang actor-host na si John Estrada, na ng mga panahong iyon ay isang pamilya at kasal na sa aktres na si Janice De Belen.

Dahil sa naging madalas ang pagkikita nina Vanessa at John sa show, hindi maiwasan na maging malapit ang dalawa sa isa’t isa, hanggang sa mapa balita nga noon na meron ng espesyal na pagtitinginan ang dalawa.

Hindi nga nagtagal ay lumabas ang balita na hiwalay na ang aktor na si John Estrada sa asawa nitong si Janice De Belen, at dito nga mas naintriga pa ang pangalan ni Vanessa, kung saan siya ang sinasabing naging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa.

Matatandaan pa nga na noong umuwi si Vanessa sa bansa kung saan siya lumaki, ay sumunod sa kanya si John Estrada. Sa kabila naman ng maraming spekulasyon ng pagkakaroon ng relasyon ng dalawa, ni kailanman ay hindi naman ito inamin ni John at Vanessa, hanggang sa isapubliko na nga lang ni John na sila’y hiwalay na nito.

Dahil sa pangyayaring ito, ay maraming mga netizens ang talaga namang nagbigay ng samu’t saring komento nila kay Vanessa Del Bianco, at ang iba pa nga ay sinisi ang dating aktres sa nangyaring pagkasira ng masayang pamilya noon nina John at Janice.

Hindi naman nagtagal, ay nilisan ni Vanessa ang bansa, at tuluyan ng iniwan ang kanyang showbiz career sa Pilipinas, marahil ay upang layuan at iwasan na rin ang mga intriga na binabato sa kanya.

Sa ngayon ay mayroon ng bagong pamilya si John Estrada, dahil ito ay “happily married” na ngayon sa kanyang asawang si Priscilla Meirelles na isang beauty queen, at sila ay mayroon na ring mga anak.

Samantala, naging magkaibigan namang muli sina Janice De Belen at John Estrada, ito ay matapos ang naging paghihiwalay nila. Mas pinili ng dating mag-asawa na maging magkaibigan para na rin sa kanilang mga anak.

Ang dating aktres naman na si Vanessa Del Bianco, ay masaya at tahimik ng pamumuhay ngayon sa bansang Canada. Siya ay nagtatrabaho sa Mayfair Club bilang isang Sales Manager, at paminsan-minsan ay ginagawa pa rin niya ang kanyang mga modeling stints.

Ayon pa nga sa ibang mga ulat, paminsan-minsan ay ginagawa pa ring bumisita ni Vanessa Del Bianco sa Pilipinas, ngunit wala naman itong binubuksan usapan kung siya ba ay magbabalik showbiz o telebisyon.