Showbiz
Dating Aktres Na Si Wilma Doesn’t Masaya At Maganda Ang Buhay Ngayon

Hindi nga naman madali ang maging isang magulang, lalo na nga kung ikaw ay solong ginagampanan ito sa iyong mga anak o kung tawagin nga natin ay ‘single parent’. Kaya naman tunay na nakakabilib ang isang ‘single parent’, dahil sa kabila ng hirap ng buhay at hindi pagiging madali ng responsibildad na kanyang ginagamapanan bilang ina at ama ng kanyang mga anak, ay nagagawa pa rin niyang itaguyod ang mga anak niya.
Isa sa mga aktres noon sa showbiz, ang ngayon ay isa sa mga ‘single parent’, at ito nga ay si Wilma Doesn’t. Nakilala sa industriya ng showbiz si Wilma Doesn’t na napabilang sa ilang mga proyektong komedya noon.
Sa kasalukyan ay wala na nga sa mundo ng showbiz si Wilma Doesn’t. Siya ngayon ay namumuhay ng simple kasama ang kanyang tatlong anak, na kanya ngang itinataguyod ang mga ito ng mag-isa.
Ang dating aktres ay hindi pinalad na magkaroon ng matibay na relasyon sa mga nakarelasyon niya, ito ay sa kabila din ng iba-iba ang naging ama ng kanyang tatlong anak. Kahit naman mag-isa, ay patuloy namang kinakaya ni Wilma ang lahat ng hamon ng buhay para mapalaki ang kanyang mga anak at mabigyan ang mga ito ng maayos na buhay.
Makikita sa buhay ngayon ni Wilma ang pagiging simple niya at down to earth. Dahil din sa mag-isa siyang inaasahan ng kanyang mga anak sa lahat ng bagay, lalo na pagnagkakasakit ang mga ito ay talaga namang istrikto siya pagdating sa usaping pangkalusugan ng kanyang mga anak, dahil sa iniiwasan niya nga ang dapuan ng sakit ang mga ito.
Maliban sa kanyang pagiging isang ‘single mom’ ay abala rin ngayon si Wilma sa kanyang trabaho bilang CEO at Presidente ng Manila Integrated Learning Center. Ito ay isang institusyon na nagbibigay ng trabaho o intership sa mga estudaynteng kaka-graduate lang sa mga kursong HRM, Tourism, Culinary at Business Management.
Kahit naman may maayos na trabaho si Wilma ay hindi pa rin madali sa kanya ang mamuhay ng marangya ito ay dahil sa tatlong anak ang kanyang tinataguyod. Dahil din sa kanyang mga anak, ay patuloy siyang nagpupursige sa buhay at sa kanyang trabaho.
Tanging hiling naman ni Wilma ay ang magkaroon ng sapat na ipon balang araw upang ang mabigyan niya ng mas maganda pang buhay ang kanyang mga anak.
Sa kabila naman ng simpleng pamumuhay ngayon ni Wilma, ay masaya naman siya dahil sa kasama niya sa kanyag buhay ang kanyang ama, tatlong mga anak, kanyang non-showbiz parter, at lahat nga sila ay maayos ang kalusugan at malayo sa karamdaman, na tila nga ang mga ito ang mas mahalaga sa panahon ngayon kaysa sa ano pa mang karangyaan sa mundo.
