Connect with us

Entertainment

Dating Cast Ng “Spirits” Na Si Mico Aytona Ito Na Pala Ang Kanyang Masayang Buhay Ngayon

Published

on

Taong 2004 ng umusbong sa telebisyon ang mga fantasy teen-oriented TV drama, tulad na lamang ng mga kwentong kababalaghan, elemental, aliens at kung ano-ano pa. Kasabay ng pag-usbong ng mga palabas na ito sa ating mga telebisyon, ay ang pagkakilala rin natin sa mga bagong pangalan sa naturang henerasyon. At isa nga sa mga nakilalang pangalan noon, ay ang aktor na si Mico Aytano.

Ngunit, sino nga muli si Mico Aytano? Natatandaan niyo pa ba siya? Matatandaan na si Mico Aytano ay nakilala sa defunct show ng yumao ng si German Moreno na “Walang Tulugan”, kung saan ay ipinakita ng binata ang kanyang passion sa pagiging isang mang-aawit. Matapos nga nito, ay sinubukan niya, na mas lalo pang payabungin ang kanyang talento sa pagiging isang mang-aawit, hanggang siya nga ay maging isang lead vocalist ng isang banda.

Napabilang nga si Mico sa bandang “Altered” na sumikat noong dekada ’90, na kinabibilangan naman ng iba pang miyembro nito na sina Manfred, Ritchie, Clarence at Kevin. Sa ngayon, ay lumalabas pa rin naman si Mico Aytona sa ilang mga programa, kung saan ay naipapakita niya naman ang kanyang husay sa pagiging isang aktor.

Samantala, maliban nga sa pagiging aktor, ay gumawa na rin ng kanyang sarili YouTube channel at Instagram page si Mico, kung saan ay kanyang ina-upload ang mga nagagawa niyang short videos.
Isa na rin umanong pamilyadong tao ang binatang aktor, kung saan ay isa na nga siyang “super dad” ngayon ng kanyang mga anak.

Nito nga lamang nakaraan, ay na-feature ang buhay ni Mico sa “Mars Pa More”, isa sa mga programa ng Kapuso network na ang host ay sina Camille Prats at Iya Villania. At sa programa ngang ito, ay ibinahagi ni Mico na siya ay mayroon ng dalawang kyut na mga anak, na sina Mica, 4-taong gulang at Gabriella, 1-taong gulang.

Ibinahagi pa ni Mico, ang buhay niya bilang isang ama, kung saan ay sinabi nito na ang kanyang mga anak ang isa sa mga inspirasyon niya ngayon sa kanyang buhay, at nagbibigay ng kaligayahan sa kanya.
Kwento nga ni Mico, sa tuwing siya’y pagod na umuuwi mula sa trabaho, ay talaga namang agad na napapawi ang nararamdaman niyang pagod, lalo na’t sasalubungin siya ng yakap at halik ng kanyang mga anak.

Kung babalikan naman ang mga ipinakitang pag-arte noon ni Miko sa telebisyon, ay matatandaan na isa sa biggest roles na kanyang ginampanan ay ang pag-ganap bilang ang batang Walter Navarro, o ang batang April Boy Regino sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK).