Connect with us

Showbiz

Dating Child Actress Na Si Angeli Gonzales Ito Pala Ang Magandang Buhay Ngayon Matapos Iwan Ang Pag-aartista

Published

on

Kung isa ka sa mga batang 90’s malamang ay natatandaan at nakikilala mo ang isa sa mga sikat at kinaaliwan na child actress noon na si Angeli Gonzales? Siya ay napabilang noon sa Kid show na “Goin Bulilit”. Napanood at nagbigay kilig din siya sa atin noon sa ABS-CBN teen series na “Luv U”.
Sa kabila nito, ilang taon na rin nating hindi nasisilayan sa ating telebisyon si Angeli, at ito nga ay dahil, matagal na rin ng iwan niya ang mundo ng pag-aartista sa kadahilanan na mas ginusto niyang magbalik at magpokus sa kanyang pag-aaral.

Kahit naman iniwan ni Angeli ang kanyang kasikatan sa shhowbiz, ay mayroon pa rin naman siyang maganda at matagumpay na karera ngayon. Ito nga ay dahil nakapagtapos siya ng medisina nu’ng nakaraang taon, at ngayon nga ay isa na siyang ganap na doktor. Tunay namang napakabilis ng panahon dahil ang batang noon ay kinaaliwan lang natin sa programang Goin Bulilit, at nagbigay kilig bilang isang teen actress sa Teen show na “Luv U” ay isa nan gang ganap na dalaga ngayon na may matayog na propesyon.

Matatandaan na taong 2012 ng ipalabas ang Teen show na “Luv U” kung saan nga napabilang si Angeli. Ang Luv U ay patungkol sa kuwento ng makulay na buhay ng magkakaibigan, ito rin ay may halong komedya. Ilan sa mga teen actress na nakasama ni Angeli sa proyektong ito ay ang halos mga kaedaran niya na sina Miles Ocampo, Kiray Celis at marami pang iba.

Taong 2016 ng matapos ang proyekto ni Angeli na Luv U, at karamihan nga sa kanyang mga naging kasamahan ay nagkaroon pa ng mga proyekto matapos nito. Ilan nga sa mga kasamahan niya ay nanatili sa mundo ng showbiz, ngunit may iba naman na tulad niya na piniling iwan ang kasikatan, upang pasukin ang ibang landas sa buhay.

Si Angeli Gonzales o sa tunay na buhay ay si Kaye Angeli H. Gonzales ay isinilang noong ika-9 g Marso taong 1994 sa Binan, Laguna. Siya ay nakapagtapos ng Doctor of Medicine sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute/