Showbiz
Dating Child Star Na Si Isabel Frial O Mas Nakilala Bilang Si Lenlen Akalain Nyong Isa Ng Napakagandang Dalaga Ngayon

Napakaraming mga child star na ang hinahangaan at kinagiliwan sa industriya ng showbiz, at kabilang na nga rito ang dating child star na si Isabel Fria o mas nakilala at tumatak sa marami bilang si Lenlen. Mabilis naman ang naging paglipas ng panahon, dahil ang child star na kinagigiliwan noon, ay kakikitaan na ngayon ng kanyang naging transpormasyon ng pagiging isa ng napakagandang dalaga.
Kung inyo pang natatandaan, si Lenlen ay isa sa mga cute at bibong-bibo na bata na pinatunayan ang kanyang husay sa pag-arte sa kanyang murang edad. At dahil nga sa kanyang kagiliw-giliw na galing sa pag-arte ay maraming oportunidad ang nagbukas sa kanya.
Sa teleseryeng ‘Bantatay’ na ipinalabas noong taong 2010 unang napanood si Lenlen , at nagkaroon nga din siya ng pagkakataon na mapabilang sa pelikula na ‘Ang Panday 2’ na pinagbidahan ng mahusay na action star na si Bong Revilla Jr,. kasama rin ang ilan pang sikat na artista, tulad nina Marian Rivera, Eddie Garcia, Alice Dixon at marami pa ngang iba.
Naging parte rin si Lenlen ng isang series tungkolsa sports, ang ‘Futbolilits’ na ipinalabas naman noong taong 2011, at mas nakilala pa nga siya ng mapabilang siya ‘Tropang Potchi’.Samantala, ngayon nga na isa ng dalaga si Lenlen, ay aktibo pa rin siya sa pag-aartista. Sa katunayan siya ay kabilang sa ilang mga palabas sa GMA-7 kagaya na lamang ng ‘Alice Bungisngis and her Wonder Walis”, “Legacy”, at ang “Paroa:Ang Kuwento ni Mariposa”.
Pinatunayan naman ni Lenlen na sa kabila ng pagkakaroon niya ng cute at pleasant na personalidad ay kayang-kaya gumanap bilang kontrabida, at ito nga ay sa naging karakter niya noon sa palabas na “MY BFF”, kung saan talagang pinabiilib niya ang marami niyang mga tagahanga. Kamakailan lamang din ay napanood si Lenlen sa seryeng “First Yaya” na pinagbidahan ni Sanya Lopez at Gabby Concepcion, kung saan naman ay gumanap siya bilang schoolmate ng mga karakter nina Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso.
Sa ngayon nga ay 16-taong gulang na si Lenlen, matapos niyang ipagdiwang ang kanyang kaarawan noong ika-28 ng Mayo noong nakaraang taon. Kitang-kita naman kay Lenlen na mula sa pagiging isang napaka-cute at charming na child star ngayon nga ay napakaganda na niyang dalaga.
Isa ka ba sa mga tagahanga ni Lenlen, ano ang masasabi mo sa kanyang naging transpormasyon? Tunay na napakaganda, hindi ba?
