Connect with us

Showbiz

Dating Child Star Si Sabrina Man Ito Na Ang Buhay Ngayon Malayo Sa Mundo Ng Showbiz

Published

on

Natatandaan niyo pa ba ag dating child star ng GMA-7 na si Sabrina Man? Siya ay isang half-Filipina-Chinese na ipinanganak noong ika-12 ng Marso taong 2000 sa HongKong. Matatandaan na si Sabrina man ay ang batang napanood natin noon sa GMA primetime series naPanday Kids noong taong 2010, kung saan isa nga siya sa main cast at nakasama niya ang mga bata pa din noon na sina Julian Trono at Buboy Villar.

Maliban sa Panday Kids, ay napanood rin natin ang batang si Sabrina Man noon sa Tropang Potchi, kung saan ay isa naman siya sa mga naging host ng nasabing programa at nakasama niya naman dito ang ilan sa mga halos kaedaran lang din niya noon na sina Ella Cruz, Bianca Umali, Julian Trono, Miggy Fernandez at marami pa ngang iba.

Taong 2015 ng huling masilayan sa telebisyon si Sabrina Man, at ang kanya ngang naging huling proyekto aay ang seryeng Once Upon a Kiss, na pinagbidahan nina Bianca Umali at Miguel Tan Felix, at siya naman ay isang kotrabida sa serye na ito. Marahil ay marami sa mga naging tagasubaybay noon ni Sabrina ang nagtataka kung bakit hindi na nga nasisilayan pa sa telebisyon ang dating child star.

Sa kasalukuyan kasi ay tuluyan na ngang iniwan ni Sabrina ang mundo ng showbiz. Siya at ang kanyang pamilya ay naninirahan na ngayon sa bansang HongKong kung saan siya ipinanganak.
Ipinagpatuloy din ni Sabrina ang kanyang pag-aaral sa nasabing bansa, at noon ngang taong 2019 ay matagumpay niya ng natapos ang kanyang high school.

Makikita naman sa social media account ng dating child star na masaya ang buhay nito ngayon sa bansang HongKong kung saan ay kasama niya ngang namumuhay roon ang kanyang pamilya.
Mula rin sa pagiging isang batang paslit na napapanood natin noon sa telebisyon na nagbigay aliw sa maraming mga manonood, ay ganap ng dalaga ngayon si Sabrina Man sa edad nitong 22-taong gulang.
May ilan naman ang nagtatanong kung babalik pa ba sa Pilipinas ang dating child star, at kung may plano pa ba itong muling balikan ang kanyang showbiz career?