Connect with us

Entertainment

Dating Flight Attendant Proud Ngayon Sa Pagtitinda Ng Fishball At Kikiam Para Makatulong Sa Pamilya

Published

on

Dahil sa pagkakaroon ng krisis, marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho. Karamihan ng sa mga ito, ay ang mga nagtatrabaho sa mga airlines companies, at isa na nga sa mga ito ay ang 4-taon ng flight attendant na si Leigh.

Lingid sa kaalaman natin ay malaki ang sinasahod ng isang flight attendant, dahil umabot ito sa 50,000-70,000 pesos, at ganito nga ay sinasahod ni Leigh noong siya’y flight attendant pa.

Ngunit dahil nga sa pandem!c, ay napabilang si Leigh sa mga flight attendant na na-trench, kaya naman wala siyang ibang ginawa kundi tanggapin na sa panahong ito ay kinakailangan niyang mag-isip o maghanap ng ibang mapagkakakitaan dahil siya ay isa sa mga bread winner ng kanyang pamilya.

Mula nga sa isang flight attendant, ay pinasok ni Leigh ang simpleng paghahanap buhay, at ito ay ang pagtitinda ng mga street food sa kanilang lugar, at ito nga ay hindi niya ikinahihiya kanino man.

Ibinahagi naman ni Leigh, kung paanong naging malaking tulong para sa pang araw-araw nilang magpamilya ang kinikita niya sa pagbebenta niya ng mga street foods. Saad pa ng dalaga, sinimulan niya ang maliit na negosyo niyang ito sa puhunan na 15-thousand pesos. Kung saan ay binili niya ang mga kinakailangan niyang gamit sa pagluluto.

Narito nga ang naging pahayag ng dalaga; “Ang naiisip ko lang po, paano sila mama, paano sila papa, paano kami, paano ako. Yung acceptance po na wala akong trabaho noon, sobrang hirap po sa akin.”
“Hindi naman po ako nanggaling sa mayamang pamilya para ikakahiya ko po na magbenta po ako ng fishball at kikiam. Yun po ang comfort food ko, kami po ng mga kapatid ko, so sabi ko, why not gawin ko siyang business.”

“Nung una pong inumpisahan ko yan, namuhunan po ako ng 15 thousand, pinuhunan ko po yun sa gamit na paninda, sa mga kailangan po na panluto ng mga sauce.”

Ayon kay Leigh, ngayon na nagtitinda siya ng mga street foods ay kumikita siya ng 500 pesos sa isang araw, at kahit na ito nga ay hindi permanenteng trabaho at malayo sa nakasanayan niya na pagiging flight attendant, ay malaking bagay naman ito sa kanila dahil nakakatulong ang kinikita niya para sa mga gastusin nila sa araw-araw.

Dahil sa pagiging positibo ni Leigh sa buhay at sa kagustuhan niyang makatulong pa rin sa kanyang pamilya sa Mabuti at simpleng paraan na naisip niya, ay umani ang kanyang post ng mga positibong komento at suporta mula sa mga netizens.

Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens; “There’s no shame in that. Ang importante naghahanap buhay ng malinis.”

“She’s just being humble of herself not unlike those other people who’s social climber though, So proud of her.” “Dati rin akong flight attendant but sadly na layoff din. Ngayon sa barista ako sa starbucks. Malayo ang sahod pero sab inga ni drake. God’s plan.”