Connect with us

Entertainment

Dating Kasintahan Ni Bugoy Drilon Na Si Liezel Garcia Masaya Ang Buhay Ngayon Sa Piling Ng Foreign Boyfriend

Published

on

Isa sa mga naging iskolar noon ng Pinoy Dream Academy Season 2 ay si Liezel Garcia, natatandaan niyo pa ba siya? Sa nasabing patimpalak ay nakasabayan niya si Laarni Lozada ang itinanghal na Grands Star Dreamer at ang 2nd Star Dreamer na si Bugoy Drilon.

Naging magkarelasyon noon sina Bugoy Drilon at Liezel Garcia, at umabot nga ng dalawang ang relasyon nilang dalawa. Bagama’t nagkahiwalay, ay maayos pa rin naman ang kanilang samahan at nanatili nga silang magkaibigan.

Matatandaan na noon ay nakapanayam si Bugoy sa defunct show ng ABS-CBN na Kris TV kung saan dito ay ibinahagi nga niya kung ano ang dahilan ng pagkakahiwalay nila ni Liezel. Ayon kay Bugoy, pareho silang na-fall out of love sa isa’t isa, kaya naman mas pinili na lamang nila ang maging magkaibigan dahil tingin nila ito ang makabubuti sa kanila.

“We lasted two years po. Sometimes you f𝔞ll out of love so it’s better na maging fr𝔦ends kasi kung m𝔞apektuhan lang yung mga nasa paligid niyo. I admit, I’m ch𝔦ldish sometimes.”
“Pinag-usapan po namin na walang magbabago ano man ang mangyari. Kasi we believe na hindi lahat ng bre𝔞k-ups ay pangit. We can make it better kasi we started as fr𝔦ends so we ended as fr𝔦ends so it’s okay,” ani Bugoy.

Samantala, si Liezel Garcia ngayon ay mayroon ng masayang buhay pag-ibig, kung saan siya nga ay engaged na sa kanyang 5-years boyfriend at fiancée niya na ngayon na si Justine Eagle. Para sa kaalaman ng lahat, si Bugoy ang naging daan para magkakilala si Liezel at ang karelasyon nito ngayon.

“Actually, na-m𝔢et ko po si Justine sa 𝔦G kasi ni-l𝔦ke niya po yung v𝔦deo na kumakanta ako, finall𝔬w niya ako tas finall𝔬w ko din tapos dun nag-start yung conversat𝔦on namin and then Liezel kasi, palagi ko rin siyang pino-p𝔬st sa 𝔦G ko tapos inask niya sakin, ‘bro can I foll𝔬w this g𝔦rl?’ ang naging pagbabahagi ni Bugoy noon kung paano nagkakilala si Liezel ang ang fiancée nga nito.

Para naman kay Liezel ay hindi niya inaasahan na ngayon ay fiancée na niya ang kanyang foreign boyfriend. Pagbabahagi pa niya, akala niya ay tatanda na siyang dalaga at hindi na makakapag-asawa.
“Until now supr𝔦sed pa din ako. Hindi ko expected na mag-pr𝔬pose nga siya. Nagbakasyon siya dito from States, sobrang h𝔞ppy ako na nag-spend kami ng t𝔦me together and before siya nag-fly pabalik ng states, doon siya nag-pr𝔬pose.”

Ilan lamang sa mga kantang pinasikat ni Liezel bilang isang mang-aawit ay ang mga kantang Gisingin ang Puso, Alipin Ako, Di Ko Kayang Limutin, Pag-ibig Na Kaya, Ng𝔞yong Alam Ko Na, kung saan ang mga ito nga ay ginamit din bilang theme song sa ilang teleserye sa ABS-CBN.