Connect with us

Showbiz

Dating PBB Housemate Niňa Jose Aminadong Kahit Kasal Sa Asawa Ay Selosa Pa Rin

Published

on

Maraming mga challenges ang nauuso ngayon online, lalo na pagdating sa mga mag-asawa. At isa na nga sa mga usong challenge ngayon para sa couple ay ang lie detector challenge, na marami ng sumubok. Hindi naman nagpahuli ang aktres na si Niňa Jose at mister niyang si Mayor Cezar Quiambao na subukan ang popular challenge na ito.

Noong ika-17 ng buwan ng Nobyembre ay nagdiwang ang mag-asawa ng kanilang wedding anniversary. At sa espesyal na araw nga na ito sa buhay ng mag-asawa ay naisipan nilang gawin ang lie detector challenge, ito ay upang mas makilala pa nga umano sila ng kanilang mga tagahanga.
Isa sa mga itinanong ng dating aktres sa kanyang politician na mister ay kung ano ang masasabi nito sa mga taong hinuhusgahan ang kanilang relasyon, ito nga ay dahil sa pagkakaroon nila ng malaking ‘age gap.’ ‘Inggit lang sila’, yan naman ang naging maikling sagot ni Mayor Cezar.

Marami naman talaga ang kumukwestyon sa relasyon ng mag-asawa, lalo na nga’t napakalaki ng pagitan ng edad nila sa isa’t isa. Si Niňa ay 33-taong gulang pa lamang, samantala ang kanyang mister na Mayor Cezar ay nasa 66-taong gulang na. Sa kabila naman ng tatlong dekadang agwat ng edad ng mag-asawa ay hindi naman ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan.

Samantala, sa ginawa nilang lie detector challenge, ay naitanong sa dating aktres kung ito ba ay nagseselos pa rin sa ibang babae kahit na sila ay kasal na ng kanyang mister. At ‘Yes’ ang sagot dito ni Niňa, na ayon nga sa kanya, kahit apat na taon na silang kasal ng asawa ay selosa pa rin talaga siya.
Nang tanungin naman si Niňa ni Mayor Cezar kung sakali bang siya ay mawala na sa mundong ibabaw ay kung mag-aasawa bang muli ang dating aktres, at agad naman itong sinagot ni Niňa ng ‘No’.
Ibinahagi naman ng dating aktres na ginawa nilang mag-asawa ng lie detector challenge para lamang magbigay aliw at katuwaan na rin nilang mag-asawa.

‘The game is not a real measure of our trust and loyalty to each other. Cezar and I are always honest and will always love each other no matter what the li𝔢 detector says.’ Si Niña ay naging housemate sa Pinoy B𝔦g Br𝔬ther: T𝔢𝔢n Edition 1 noong 2006. Taong 2017 ng siya ay ikasal kay Mayor Cezar Quiambao. Sa ng𝔞yon ay hindi siya aktibo sa telebisyon pero aktibo naman siya sa commun𝔦ty activ𝔦ties sa Bayamb𝔞ng, Pangasinan.