Connect with us

Showbiz

Dating Viva Hot Babes Na Si Katya Santos Ito Na Pala Ang Buhay Ngayon

Published

on

Natatandaan niyo pa ba ang sumikat at naging popular na grupo ng mga nag-gagandahan at nagse-seksihan na mga kababaihan noon na”Viva Hot Babes?” Isa sa mga naging miyembro nito na talaga namang may angking kagandahan at nakabibighaning kaseksihan ay ang dating sexy star at aktres na si Katya Santos.

Matatandaan na taong 2003 ng pasukin ni Katya Santo ang pagpapaseksi. Ang kanyang unang naging mapangahas na karakter bilang isang sexy star ay ang pelikulang “Sukdulan.”
At dahil sa kanyang ipinakitang husay at potensyal bilang isang sexy star, ay nasundan pa nga ito ng marami pang proyekto.

Kinilala sa bansag bilang “Materyales Fuentes” si Katya Santos noon, dahil sa isa siya noon ,sa itinuturing na panstasya ng bayan, na talagang ang kagandahan at kaseksihan at kinababaliwan.
Maliban sa pagpapaseksi sa telebisyon, ay pinasok rin ni Katya ang pagiging sexy cover ng magazine, kung saan ilan nga sa kanyang mga larawan ay talaga namang napaka-hot , dahil tila wala ng maitago sa kanyang napakagandang hubog ng katawan, at ang tang inga lamang masisilayan ay ang kanyang taglay na kaseksihan.

Ngunit tunay ngang walang permanente sa mundo, kagaya na nga lamang ng kasikatang tinatamasa noon ni Katya. Dahil hind inga nagtagal ay unti-unti ng nagsara ang pinto, para sa sexy star. At dahil nga dito, ay napagdesisyunan niya na tuluyan ng lisanin ang mundo ng showbiz, at pinili na lamang na mamuhay ng tahimik.

Sa ginawa namang desisyon ng dating sexy star na pag-alis sa showbiz, ay dito niya naman natagpuan ang taong bumihag sa kanyang puso, na siyang magbibigay ng magandang buhay at kulay sa kanyang mundo. Ang tao ngang ito, ay ang kanyang napangasawa na si Anton Delos Reyes, isang coaching staff member sa Mapua’s collegiate basketball team.

Taong 2013 ng ikasal si Katya kau Anton, at hindi pa nagtatagal ang kanilang pagiging mag-asawa, ay agad naman silang nabibiyaan ng biyaya mula sa Diyos, at ito nga ay ang kanilang naging anak na si Tala.

Sa ngayon ay namumuhay ng simple si Katya, kasama ang kanyang binuong pamilya. Bagama’t simple ang buhay, ay makikita naman sa Instagram ng dating sexy star na masaya ito sa kanyang buhay, kung saan ay abala siya sa pagiging hands on mommy niya sa kanilang unica hija.

Mapapansin naman na kahit na may asawa at isang anak na si Katya, ay napanatili pa rin nito ang kanyang taglay na kaseksihan. At ito nga ay dahil sa kabila ng kanyang pagiging abala, ay hindi naman niya nakakalimutan na maglaan pa rin ng oras na makapag-ehersisyo upang maging fit at healthy nga ang kanyang katawan.