Connect with us

Entertainment

Denise Laurel Hinangaan Ng Maraming Netizens Ng Magmala Barbie Doll Sa Kanyang Photo Shoot

Published

on

Iba’t ibang mga artista na din ang nagmala-barbie doll sa kanilang ginawang photo shoot, ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin nga napipigilan ng marami sa atin ang mamangha at pama-wow sa tuwing may aktres na nagmamala-barbie doll sa kanikang photo shoot lalo na nga kung nagpapakita sila ng tila tunay at buhay na barbie sa kanilang katauhan.

Ang Barbie doll ay isang uri ng laruang manyika na nauuso sa mga batang babae noon dahil sa angking kagandahan nito at nakakaaliw naman talaga itong bihisan. Ngunit sa paglipas nga ng panahon, ay tila nababaon na sa limot ang paglalaro ng manyika na Barbie doll.

Samantala, kamakailan nga lamang sa bagong update na mga larawan ng aktres na si Denise Laurel sa kanyang Instagram account ay makikita nga kung paano siya naging mala-barbie doll sa kanyang pinaka-latest photo shoot. Makikita nga sa mga larawan na mula ulo hanggang paa ay kuhang-kuha nga ng aktres ang vibe ni Barbie.

“As your favorite Barbie Ghorl [pink ribbon emoji]”, ang naging saad ni Denise sa kanyang caption kung saan nga ay kalakip nito ang kanyang larawan na napaka-sassy sa ponytail niyang buhok na puno ng clips habang siya nga ay may hawak na lipstick at telephone.

Ayon sa ulat, ang photo shoot na ito ni Denise na may tema ngang Barbie, kung saan siya nagmala-Barbie doll ng ayos, ay ang nagsilbing ‘introduction’ ng aktres sa kanyang YouTube channel na mayroong titulong “DeeDee’s World” at ito nga ay binuksan lamang noong ika-24 ng Abril, araw ng Sabado.

Ibinahagi naman ng aktres hindi naging madali ang proseso ng pag-visualize ng design at concept niya na Barbie, pero dahil nga umano sa tulong ng kanyang mga kaibigan na nagbigay sa kanya ng suporta, inspirasyon at confidence sa kanyang sarili ay naging maganda at matagumpay nga ang ginawa niyang ito.

Kuwento pa ni Denise, akala niya ay magmumukha siyang awkward sa pag-portray bilang Barbie sa kauna-unahang episode ng Deedee’s World, kaya naman malaki ang kanyang pasasalamat na naging ‘successful’ ang lahat.

“Feeling like another baby is being born 😊 had to fight happy tears building up the first episode I shot cause I didn’t like a corny oldy haha”, ani pa ni Denise. Kung noon nga ay tila nai-imagine lang ng marami sa atin ang maging si Barbie doll, sa panahon nga ngayon ay maari na nating i-portray ito. Nais ngang ipaabot ni Denise sa lahat na kahit ano pa ang kulay ng iyong balat o ano pa man ang iyong edad ay hindi ito basehan upang hindi mo magawang maging sassy na tulad ni Barbie.