Connect with us

Inspiring

Derek Ramsay Proud ‘Dad’ Matapos Ibinahagi Ang Pagtatapos Ng Kanyang Anak Sa High School

Published

on

Lahat ng mga magulang ay iisa lamang ang layunin para sa kanilang mga anak, ito nga ay ang mabigyan Ng mga ito ng maginhawang buhay at ang makita na unti-unting natutupad ng mga ito ang kanilang pangarap, at una na nga sa mga ito ay ang makapagtapos ng mga ito ng pag-aaral.

Kapag ang isa ngang indibidwal ay naging ganap na magulang, ay talaga namang lahat ng sakripisyo ay handa nilang gawin para lamang mabigyan ng maayos na buhay ang kanilang anak, at maibigay ang mahahalagang pangangailangan nito lalo na nga ang pagkakaroon ng maganda at mataas na edukasyon.

Pagdating naman sa mga anak, ang tanging maisusukli naman nila sa kanilang mga magulang ay ang pagsisikap nila na makapagtapos ng pag-aaral, at ipakita sa mga magulang nila sulit ang naging lahat ng sakripisyo ng mga ito.

Samantala, sa katatapos nga lamang na buwan ng Hunyo ay marami na namang mga magulang ang talagang napaluha at napuno ng galak ang puso dahil sa mga anak niyang nagtapos ng pag-aaral. At ang aktor na si Derek Ramsay ay isa nga sa mga proud parents, sapagkat ang anak niyang si Austin ay isa sa mga mag-aaral na matagumpay na nakapagtapos ng high school sa taong ito.

Ayon sa ulat, noon ngang ika-4 ng Hunyo taon ng kasalukuyan ay nagtapos ng High School ang anak ni Derek na si Austin sa Southville International School. Makikita naman sa social media account ni Derek ang pagbabahagi niya ng mga larawan na kuha sa naging pagtatapos sa high school ng kanyang anak. Bakas naman talaga sa mga ngiti ng aktor kung gaano siya masaya sa tagumpay na ito ng anak niyang si Austin.

Hindi rin pinalampas ni Derek na ipaabot ang kanyang pagbati sa kanyang Instagram post, kalakip nga ang larawan nilang mag-ama. Sa isa pa ang larawan na ibinahagi ng aktor ay makikita naman na kasama nila ng anak niyang si Austin ang asawa niya ngayon na si Ellen Adarna, na talaga namang litaw na litaw ang kagandahan sa suot nitong kasuotan.

Marami naman sa mga kaibigan at tagahanga ni Derek ang nagpaabot ng pagbati para sa tagumpay na ito na nakamit ng anak ng aktor. hindi makakalimutan na noong nakaraang taon ay naging emosyonal ang aktor na si Derek Ramsay, dahil sa kauna-unahan ngang pagkakataon ay tinawag na siyang ‘Dad’ ng anak niyang si Austin. Si Austin Ramsay ay anak ni Derek sa kanyang dating partner na si Mary Christine Jolly.