Connect with us

Showbiz

Dianne Medina Nagbahagi Ng Mga Napakagandang Throwback Photo Ng Kanyang Ina

Published

on

Sa buhay ng isang tao ay malaki ang papel ng isang ina, ito ay hindi lamang dahil sila ang nagluwal sa atin sa mundong ibabaw kundi dahil na rin sa isa sila sa mga taong hindi mapapantayan ang pagmamahal at pag-aaruga sa atin. Kung kaya naman tunay na napakahalaga ng isang ina, at kung sila man nga ay mawalay sa atin ay talaga namang hahanap-hanapin natin ang mainit na pagmamahal nila at ginagawa nilang pag-aaruga.

Samantala, nito lamang nakaraan ay nagbahagi ang aktres na si Dianne Medina sa kanyang Instagram account ng throwback photo ng kanyang ina noong mga panahon ng kainangan nito ng nabubuhay pa. Kalakip nito ay ang pagbati ni Dianne sa ina na nagdiwang nga ng kaarawan. “Happy happy birthday my beautiful Mommy!!! I love you so much Mommy!!!! Forever in my Heart”, ang naging saad nga ni Dianne sa caption ng kanyang IG post.

Sinamahan din ni Dianne ng larawan niya ang naturang post niya na ito, kung saan ay makikita naman na ginaya niya ang isang pose ng kanyang ina na tila nga nakaharap sa tuhod at nakaharap sa kamera. Sa larawan nga na ito na ay makikita ang malaking pagkakahawig niya sa kanyang ina, lalo na sa kung paano tumitig ang kanilang mga mata.

Ang ina ni Dianne na si Maria Josefa ‘Vicky’ Medina ay isang former Binibining Pilipinas 1973 candidate at pumasok sa Top 10. Isa rin siyang modelo ng mga TV commercial. Bakas na bakas naman sa mensahe ni Dianne na miss na miss na niya ang kanyang ina.

Tunay naman na sa kabila ng hindi na kasama ni Dianne ang kanyang ina, ay talaga namang labis pa rin niyang minamahal ito at patuloy na naalala ang presensya ng kanyang ina. Nakaka-miss naman talaga ang pagmamahal ng isang ina, lalo na ang kanilang yakap, laming, masasarap na luto, maging ang kanilang mga sermon at pangaral. Payo naman sa lahat, hanggat kasama pa nga natin ang ating mga ina sa buhay natin, ay patuloy din nating ipadama sa kanila ang ting pagmamahal at pag-aalaga, lalo na nga kung sila ay nagkaka-edad na.