Connect with us

Showbiz

EB Babe Lian Paz Nakaka-Wow Ang Taglay Na Kaseksihan Sa Kabila ng Pagiging Isang ‘Mom of Four’

Published

on

Liaz Paz, ibinida ang napakagandang katawan sa Boracay suot ang isang olive green bikini. Tila mas sumeksi pa ngayon kahit na mayroon ng tatlong anak. Isa sa mga paboritong destinasyon ng mga turista at bakasyonista sa ating bansa ay ang isla ng Boracay, dahil sa mala-paraisong ganda ng tanawin at beaches dito. Kaya naman noong selebrasyon ng Father’s Day noong buwan ng Hunyo 2022 ay napili ng dating EB Babes member na si Liaz Paz at ng partner niyang si John Cabahug na ipagdiwang ito sa naturang lugar, kasama ang kanilang mga anak.

Nito lamang nakaraang ika-8 ng Hulyo, umaga ng araw ng Biyernes ay nagbahagi si Lian ng kanyang throwback photosa Instagram kung saan ay ibinida niya ang bikini OOTD niya sa naging Boracay trip nila noon ngang sila ay magbakasyon sa nasabing isla.

“Don’t give up on your body. It deserves the best! [emoji]”, saad ni Lian sa caption ng kanyang IG post na tila paalala din para sa kanyang mga followers. Siyempre, isa din sa mga hindi pinalampas ni Lian sa kanyang naging Boracay trip ay ang gayahin ang ginagawa ng ilang mga turista na nagtungo roon, at ito nga ay ang pagsakay at nagpapa-picture sa trend na crystal kayak, kung saan ang napakalinaw na bluewater ng isla ng Boracay ang kanyang naging backdrop.

Sa naturang mga larawan nga ni Lian sa crystal kayak, ay makikita kung paano niya ibinandera ang napakaganda at kahanga-hanga niyang kaseksihan suot ang black bikini niya, at ang mga larawan naman niya na ito ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram noong ika-24 ng Hunyo 2022.
“Can’t miss the new bora trend. This was when my boss mahal @johncabahug87 was asleep [emojis]”, caption niya sa IG post niyang ito.

Bumuhos naman ang napakaraming komento ng paghanga sa mga larawan na ito ni Lian, at karamihan nga sa mga komento ay hindi nawalan ng heart at fire emojis. “Wow Hindi Patapos Ang Summer [fire emojis]”, komento ng followers niyang si @neil_olivares told Lian.

“Absolutely gorgeous and sexy [fire and heart eyes emojis], komento naman ng IG user na si @neil_olivares. Base sa Instagram, aktibo sa iba’t ibang mga sports at pag wo-workout si Lian at ang partner niyang si John, kaya naman talagang hindi nakapagtataka ang pagkakaroon ng fit at sexy na pangangatawan ni Lian kahit na nga siya ay isa ng mommy.

Sina Lian at John ay mayroon ng apat na anak. Ang dalawa nga ay mga anak ni Lian sa dating partner niyang si Paolo Contis, na sina Xonia, 12 at Xalene, 11. Ang panganay naman nilang anak ay si Lexie, na anak ni John sa dati niyang partner. Samantala ang bunso nila ay ang 6-years old na si Nina Angela, ang unang anak nga nina John at Lian sa kanilang pagsasama.