Connect with us

Entertainment

Elisse Joson At McCoy De Leon Ipinasilip Ang Kanilang Napakasayang Beach Getaway Kasama Ang Kanilang Anak

Published

on

Kapag panahon ng tag-init ay tunay nga namang napakasarap ang magtungo sa mga lugar kung saan tingin natin ay maapapawi nito ang init at alinsangan na ating nararamdaman. Tunay ring masarap na mag-enjoy at makapag-relaks sa isang mala-paraisong lugar kapag ang kasama natin ay ang ating pamilya.

Tuwing summer isa ang isla ng Boracay sa mga dinarayo naman talaga, hindi lang ng mga turista kundi maging ng mga kababayan natin at mga kilalang personalidad sa showbiz. At kamakailan nga lamang ay nakitang nagbakasyon sa mala-paraisong isla na ito ang real-loife couple na sina Elisse Joson at McCoy De Leon kasama nila ang kanilang anak na si Felize.

Ayon nga sa ulat, maliban nga sa kanilang napakacute na anak na si Felize McKenzie ay kasama din ng dalawa ang pamilya ni McCoy sa naging bakasyon nila na ito. Makikita sa social media account nina Elisse at McCoy ang naging pagbabahagi nila ng mga larawan na kuha nga sa masayang bakasyon nila na ito sa Boracay.

Sa isang larawan nga ay makikita ang masayang pamilya nila kasama ang pamlya ni McCoy, ang isa namang larawan ay agad na mapapansin napa-sweet na moments nina McCoy at Elisse. Tila nga talagang sinulit nina McCoy at Elisse ang bakasyon nilang ito, kasama ang kanilang anak, dahil sa bakas nga sa kanilang mga mukha ang kasiyahan lalo na’t wala silang iniisip na trabaho habang sila ay nasa bakasyon.

Makikita rin nga sa ilan pang mga larawan ang naging pagbabahagi nila ng ilang mga adventures na kanilang ginawa kasama ang pamilya ni McCoy. Siyempre hindi naman mawawala sa mga larawan na ito ang nakakagigil sa kakyutan na anak nina Elisse at McCoy na si Felize.

Ikinatuwa naman ng maraming netizens ang makita kung gaano kasaya ngayon sinna Elisse at McCoy sa piling ng isa’t isa kasama pa ang anak nila. Marami din ang talagang giliw na giliw kay Felize sa mga kuha ngang larawan nito habang nasa bakasyon sa Boracay.

Matatandaan na ikinasorpresa n publiko ng isiwalat nina Elisse at MccOy noong buwan ng Oktubre ang pagkakaroon na nga nila ng anak, at ito nga ay ng mag-guest ang dalawa sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan din sila unang nagtagpo.

Ilang buwan nga matapos na ipakilala nina Elisse at McCoy sa publiko ang panganay na anak nila na si Felize ay mas naging bukas na sila sa publiko sa bawat kasiyahan na ibinibigay ng kanilang anak sa buhay nila ngayong dalawa. Mas naging madalas din ang pagbabahagi nila ng mga cute na larawan nilang pamilya lalo na ng mga larawan ni Felize na tunay namang kinagigiliwan ng marami dahil sa pagiging cute at adorable nito.