Connect with us

Entertainment

Ella Cruz May Nakakatandang Kapatid Na Mala Artistahin Rin Ang Taglay Na Kagandahan

Published

on

Nabibilang ngayon sa mga popular na aktres ng kanyang henerasyon ang 23 taong gulang na si Gabriela Annjane Umali Cruz o mas kilala nga ng publiko bilang ang actress, host, model, at dancer na si Ella Cruz. Hindi nga maikakaila na marami ang mga nakakakilala kay Ella, lalo na’t bata lamang siya ng pasukin niya ang mundo ng showbiz. Ngunit maliban nga sa pag-arte na unang hinangaan sa kanya ng mga taganga niya, ay mas hinahangaan ngayon si Ella dahil sa kanyang galing sa paghataw sa pagsasayaw.

Matatandaan nga na naging viral si Ella sa YouTube nang sayawin niya ng ubod ng hataw at galing ang isa sa mga sikat na sayaw noon na “Twerk It Like Miley.” Taong 2017 ng magkaroon ng unang leading role si Ella, sa pelikulang ‘Fangirl, Fanboy” kung saan ay nakatambal niya ang aktor na si Julian Trono. Sa kaparehong taon rin, inilathala ng aktres ang kanyang librong “Jump In” sa ilalim ng VRJ Books Publishing, kung saan sa naturang libro mababasa ang nakalipas na kuwento ng pag-iibigan ng loveteam na Julian Ella, kalakip pa nga ang ilan sa kanilang mga larawan. Makikita rin sa nasabing libro ang mga tula sa Twitter na ginawa ni Julian para kay Ella.

Samantala, marami sa atin ang hindi nakababatid na ang actress-dancer na si Ella Cruz ay mayroong nakatatandang kapatid na napakaganda rin tulad niya, at ito nga ay si Tricia Cruz. Maliban kay Tricia, ay may iba pa ngang kapatid ang tinaguriang Millenial Dance Princess, at ito nga ay ang mga kapatid niyang sina Lana at Ethan.

Kahit nga naman sikat at popular si Ella Cruz dahil sa patuloy na pamamayagpag ng kanyang karera, ay nanatili naman na pribado ang buhay ng pamilya niya. Ngunit kailan nga lamang ay lumabas sa telebisyon ang nakatatandang kapatid ni Ella na si Tricia, matapos silang maimbitahan na maging ‘guest’ sa “Magandang Buhay”. Sa panayam sa magkapatid, ay naibahagi nila na talagang malapit sila sa isa’t isa, at nagkakasundo sila sa maraming mga bagay kagaya na nga lamang ng pag-uusap patungkol sa lovelife.

Naibahagi ni Tricia na bagama’t sa text sila madalas magkausap ng kapatid, ay mas maayos naman niya itong napapayuhan lalo na kapag ito ay humihingi ng payo sa kanya. Para naman kay Ella, hindi niya kinakailangan ng magtago ng kahit ano pa man sa kanyang pamilya, dahil sa bandang huli, sa kahit anumang problema ang kaharapin sa buhay ay ang pamilya ang pinaka-unang lalapitan.

Marami naman ang nakapansin ng makapanayam ang magkapatid na magkamukha ang mga ito at talaga namang magkasing-ganda pa, kaya naman sinasabi ng ilan na maari ring pasukin ni Tricia Cruz ang mundo ng showbiz kagaya na nga lamang ng kapatid niyang si Ella.

Sa YouTube channel naman ni Tricia ay makikita na isa rin itong vlogger, at ang kanya ngang YouTube channel ay may titulong “Tricia Cruz”, kung saan ay ibinabahagi niya ang mga video vlogs niya patungkol sa kanyang pagiging isang online gamer, mga travels niya, hilig niya sa fashion at iba pa ngang bagay na kanyang pinagkakaabalahan.