Connect with us

Entertainment

Ellen Adarna Pinakita Kung Paano Siya Makitungo Sa Kanyang Mga Kasambahay

Published

on

Isa si Ellen Adarna, sa mga aktres sa showbiz na talaga namang hinahangaan ng marami, hindi lang dahil sa siya’y maganda at seksi, kundi dahil rin sa taglay niyang talento sa pag-arte.

Image Credit via YouTube

Ngunit alam niyo ba hindi lang basta ang pisikal na katangian ni Ellen Adarna, ang dapat hangaan sa kanya, dahil maliban sa kanyang magandang mukha at “flawless” na pangangatawan ay hahangaaran rin sa aktres ang pagkakaroon niya ng mabuting kalooban.

Image Credit via YouTube

May kasabihan nga tayong “Don’t judge the book by it’s cover”, at pinatunayan nga ni Ellen Adarna, na ang kasabihan na ito ay totoo. Kamakailan lamang sa isang Instagram story ni Ellen Adarna, ay nagbahagi siya ng isang video clips kung saan dito natunghayan ng mga netizens kung gaano ito kasimple sa loob ng tahanan, at kung paano ito pakikitungo sa kanyang mga kasambahay.

Image Credit via YouTube

Batid natin na sa mundo ng showbiz, ay hindi lahat ng artista na maganda, ay talaga namang maayos ang pakikitungo sa kanilang kasambahay. ngunit ibahin natin si Ellen Adarna, dahil sa kanyang ibinahagi ng short video clip, ay talaga namang hahangaan natin siya, ipinakita niyang pakikisama sa kanyang mga kasambahay.

Image Credit via YouTube

Sa video ay mapapanood nga natin ang nakangiting bungad ni Ellen, kung saan ay mapagmahal sa ayos ng mukha nito na kagigising lamang nito at halos kababangon lamang niya sa kanyang higaan.

Paglabas nga ng aktres sa kanyang silid, ay nasorpresa siya ng makita niya na halos kauuwi lamang ng kanyang mga kasambahay, sa oras na 6:30 am galing sa night out ng mga ito.

Image Credit via YouTube

Agad namang tinanong ni Ellen ang kanyang mga kasambahay, kung may mga hangover ba ang mga ito, at sabay sumagot ang mga ito ng “No”. Kinamusta nga rin ni Ellen, kung ano ang mga ginawa ng kanyang mga kasambahay sa kanilang naging night out, at nakikita nga sa video ang naging masaya na pagkukwento ng mga ito. Ayon pa nga sa naging kwento ng kanyang mga kasambahay, ay mayroon pang mga lalaki na nais makipag-flirt sa kanila.

Image Credit via YouTube

Makikita rin sa video, ang isang kasambahay ni Ellen, na pinipilit pa ang sariling kalikutin ang kanyang cellphone, kahit mababakas na antok na antok na ito at talagang kinakailangan na nitong matulog upang makapagpahinga.

Image Credit via YouTube

Marami namang mga netizens na nakapanood ng video, ang talaga namang humanga sa aktres, dahil sa maayos na pakikitungo nito sa kanyang mga kasambahay at binigyan niya ang mga ito ng pagkakataon na makapag-bonding sa pamamagitan ng “night out”. At kahit pa nga ba halos inumaga na nga ng uwi ang mga ito ay hindi man lang kinakitaan ng anumang pagkainis o iritasi Ellen.

Video Credit: ellen adarna/YouTube

Sa panahon nga naman ngayon, ay bihira na tayong makakakita at nakakakilala ng “employer” na katulad ni Ellen Adarna, na marunong magbigay konsiderasyon sa kanyang mga kasambahay at bigyan ng mga oras ang mga ito na paminsan-minsan ay i-enjoy din ang kanilang mga buhay.