Connect with us

Entertainment

Engaged Na Ang Magkasintahang Sina Jason Abalos At Vickie Rushton

Published

on

Sa kabila ng napakaraming mga magkasintahan at mag-asawang naghihiwalay ngayon sa industriya ng showbiz na nagbibigay kalungkutan sa mga tagasuporta at tagasubaybay nila, ay mayroon din namang mga celebrity na nagbigay kilig sa maraming netizens, kagaya na nga lamang ng magkasintahang sina Jason Abalos at Vickie Rushton.

Marami ngang mga netizens ang kinilig sa magkasintahan, matapos nilang isapubliko na silang dalawa ay engaged na sa isa’t isa o malapit na ngang maikasal.
Ibinahagi nina Jason at Vickie sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang magandang balita na pag-level up nga nga ng kanilang relasyong dalawa. Nito nga lamang ika-2 ng Hunyo ay inanunsyo ng magkasintahan ang kanilang engagement, kasabay nito ang pagbibida ni Vickie ng nakasuot na engagement ring sa kanyang mga daliri.

“So, Baba and I have been keeping a little secret,” saad ni Vickie sa caption ng kanyang post.
“When the time is right I, the Lord, will make it happen”, dagdag na saad nga niya na mula sa isang verse sa Bibliya.

Ayon naman sa Instagram post ni Jason, tila noon pa ngang buwan ng Setyembre nu’ng nakaraang taon sila na-engaged ng nobya, ito nga ay base sa isa niyang IG post kung saan kanya ngang nabanggit ang malapit ng tumunog ng kampana na nangangahulugan nga ng papalapit na kasal na nila ng kasintahan.
“Habambuhay ko pasasalamat ang Panginoon sa buhay mo Baba,”

“Patugtugin na ang kampana!”, saad nga ni Jason sa kanyang Instagram post.
Ang 30-taong gulang na beauty queen na si Vickie Rushton at 37-taong gulang na aktor na si Jason Abalos ay unang nagtagpo sa Bacolod sa isang Kapamilya Caravan na ginanap sa naturang lungsod.

Matatandaan na noong nakaraang taon, ay nabanggit na nga ng aktor ang plano na niyang pagbuo ng pamilya sa piling ng nobya. Ito ay matapos ngang i-anunsyo ni Vickie ang kanyang desisyon na tuluyan ng huminto sa kanyang pageantry journey. Ang huling pagkakataon na sumabak si Vickie sa beauty pageant ay noon ngang taong 2018 at ito nga ay noong Bibinibing Pilipinas 2018 kung saan siya ang itinanghal siya bilang 1st Runner Up, at matapos nga nito ay sinabi na nga niya ang plano niyang pag-hinto na sa pagpa-pageant.

“Siguro nasa ano na kami ni Vickie, eh. Matagal na akong naghihintay na matapos si Vickie sa pagpa-pageant. Tingin ko ayon na ‘yon, eh. Sabi ko, ‘O, tama na yan, hindi ka na pwede, tayo naman,'” saad nga ni Jason ng mga panahon na ‘yon.

Dagdag pa niya, “Kasi hinayaan ko siya talagang lumarga, gawin niya lahat ng gusto niya habang dalaga pa siya. So ngayon, siguro panahon na para bumuo naman kami ng pamilya.”
Pagbabahagi pa noon ni Jason, hinayaan niya talaga ang kanyang nobya na gawin ang nais nito sa kanyang karera sa beauty pageant, ngunit ngayon nga ay napapanahon na umano para bumuo na sila ng kanilang pamilya.