Connect with us

Entertainment

‘Fitspiration’ Julia Montes Ipinasilip Ang Ginagawang Home Workout Routines

Published

on

Isa sa mga talagang hinahangaan na aktres sa mundo ng showbiz ay si Julia Montes o sa tunay ngang buhay ay si Mara Hautea Schnittka. Sa ngayon ay hindi pa aktibong muli si Julia sa kanyang karera sa showbiz, ngunit madalas na rin naman siyang nagbabahagi ng ilang pangyayari sa kanyang buhay ngayon sa kanyang socmed account.

Kagaya na nga lamang nito ay ng kamakailan lamang ay magsilbi siyang inspirasyon para sa marami, matapos niyang ibahagi sa kanyang Instagram account ang determinasyon at pagpapahalaga niya sa kanyang katawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo na kanyang ginagawa.

Kahit nasa bahay nga lamang at wala sa gym si Julia ay makikita ang naging todo niyang pag-eehersisyo. Naging kapansin-pansin naman sa mga netizens ang magandang hubog ng katawan ni Julia, dahil sa kanyang ginawang pag-eehersisyo.

Ibinahagi naman ni Julia na ang ginagawa niyang pag-eehersisyo ay hindi lamang upang ma-achieve ang seksing pangangatawan, kundi para rin mas palakasin pa ang kanyang kalusugan. Dagdag pa niya, sa panahon ngayon ay mahalaga ang pangangalaga sa kalusugan, hindi lang para sarili natin kundi maging sa mga mahal natin sa buhay.

“Working out not just for my physique but for my Health in general. Sa panahon ngayon having good health is a great gift for yourself and specially for your love ones”, caption ni Julia sa kanyang post.

Sinabi naman ni Julia sa isang komento na ang inspirasyon niya sa kanyang pag-eehersisyo ay ang kapwa niya celebrity actress n asi Aubrey Miles, kung saan ito nga ay ikinatuwa ni Aubrey at mas hinikayat pa nga niya si Juia na ituloy lang ang regular na pag-eehersisyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)

“@monetesjulia08 Keep it Up! Please don’t stop promise you’ll love it. Make it a commitment. Whatever happens, do it 2-3x a week. You’ll see result faster. This is awesome.” Ang naging pahayag ni Aubrey Miles.

Sa hiwalay na post naman ay makikita na malaki na ang ipinayat ni Julia, kung saan sa larawan nga na kanyang ibinahagi ay kitang-kita na ang kanyang slim na braso at sexy figure sa kanyang suot na sleeveless top.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)

Caption naman ni Julia sa larawan niyang ito, ay katatapos lamang niya mag-shoot at magpa-swab nang kunan ang naturang larawan.

Maraming mga netizens naman ang nagkomento ng paghanga para sa aktres dahil sa pagbibigay nito ng oras at panahon na makapag-ehersisyo upang mas mapabuti pa ang kalusugan. Pinuri rin ng mga netizens ang pagiging slim -look na ngayon ni Julia.