Connect with us

Showbiz

Football Star Phil Younghusband Ito Na Pala Ang Masayang Buhay Ngayon Sa Piling Ng Magandang Asawa

Published

on

Marami ang mga personalidad na tumatatak sa ating puso’t isipan, at ito ay sa pamamagitan rin ng iba’t ibang nagiging ambag nila sa lipunan. Katulad na lamang ng mga sikat at popular na artitsa, atleta, manunulat, pintor, pulitiko, o iba pa.

Madalas nga nating inaabangan ang bawat kaganapan sa buhay ng mga hinahangaan o iniidolo nating personalidad, kagaya na lamang ng mga bagay na tungkol sa kanilang career o love life. At minsan pa nga, kahit na iniwan na nila ang propesyon kung saan natin sila hinangaan, ay patuloy pa rin tayong nakikibalita kung ano ng bagong kaganapan sa buhay nila.

Kagaya na nga lamang ng dating atleta ng foorball na si Philyoung Husband, na dahil sa kanyang angking husay bilang isang manlalaro ay marami ang humanga sa kanya, kaya naman sa kabila ng ilang taon ng lumilipas mula ng magretiro siya bilang manlalaro ng foorball ay hindi pa rin siya nalilimutan ng mga taong humanga at umidolo sa kanya.

Si Phil Younghusband, ay dating miyembro ng Philippine Azkals, ang national men’s football team ng ating bansa. Siya ay nakilala dahil sa kanyang husay at galing bilang isang manlalaro ng football. At dahil rin sa ipinamalas niyang galing, ay napili rin siya na mamuno sa kanilang kupunan.
Matatandaan na isa si Phil sa mga naging dahilan sa pagkakapasok ng Philippine Football Team sa ika-111 na ranking sa FIFA world.

Ngunit sa kabila ng kanyang namamayagpag na karera bilang isang manlalaro ng football, ay ginulat niya ang lahat ng i-anunsyo niya noong taong 2019 na siya ay magreretiro na sa paglalaro ng football.
Sa kabila nga ng pagbitaw ni Phil Younghusband sa kanyang career, ay makikita naman na masaya ang kanyang buhay ngayon, lalo nga’t nakabuo na siya ng kanyang sariling pamilya, na kanyang pagkaka-abalahan at aalagaan.

Noong ika-20 ng Hulyo taong 2019 ay ikinasal siya sa kanyang matagal ng kasintahan na si Margarette Hall, at ang kasalang ito ay naganap sa bansang England.
Noon namang nakaraang taon, ay nagbunga na ang pag-iibigan ng dalawa, at sila nga’y biniyayaan na ng isang sanggol na lalaki na pinangalanan nilang si Philip James, alinsunod nga sa pangalan ng kanyang ama.

Sa Instagram account ni Phil, ay makikita ang mga masasayang larawan nilang magpamilya. Ang madalas niyang pakikipag-bonding at pag-aalag sa kanyang anak at ang mga paglalakbay nilang ma-anak, sa iba’t ibang mga lugar o bansa. Masasabi nga natin na sa kabila ng naging pag-iwan ni Phil ng kanyang magandang career bilang football player, ay naging kapalit naman nito ay ang labis na kaligayahan sa kanyang buhay kapiling ang kanyang binuong pamilya.