Entertainment
Francine Diaz At Seth Fedelin Muling Pinakilig Ang Mga Netizens Sa Kanilang Chemistry

Tambalang “FranSeth” nina Francine Diaz at Seth Fedelin muling nagpakilig sa mga netizens ng magsama sa music video ng awiting ‘Muli’ ni Ace Banzuelo. Noong nakaraang ika-3 ng Hulyo 2022, ay inilabas na nga ang music video ng ballad ni Ace Banzuelo na “Muli”, kung saan ang mga Kapamilya star na sina Francine Diaz at Seth Fedelin ay gumanap bilang nagmamahalan at masayang magkasintahan na nagkahiwalay.
Makikita naman sa Instagram nina Francine at Seth ang kani-kanilang pagbabahagi ng naturang music video na kanilang ginawa ng magkasama. Samantala ng makapanayam ng One Music PH ang director ng naturang music video na si Jake Soriano, ay nabanggit nito na dito lamang niya unang nakita na gumawa ng ‘nuanced performance’ sina Francine at Seth.
Ayon naman sa ulat, ang awiting ‘Muli’ na sinulat at mismong prinodyus ng umawit nitong si Ace Banzuelo ay ini-released noon pang taong 2020. Sa ulat ng press, ang naturang music video nga ng ‘Muli’ ay humakot na ng halos 1.2 million views mula ng ilabas ito, at kasalukuyan din umano itong nasa fourth trending spot sa music sa YouTube Philippines.
Ang naturang music video ngang ito ay tila isa ring ‘prelude’ ng tambalan nina Francine at Seth, lalo na’t malapit nan gang umere ngayong taon ang kauna-unahang on-screen pairing ng dalawa sa isang teleserye na may pamagat ngang “Dirty Linen.” Sina Francine Diaz at Seth Fedelin ay parehong mga Kapamilya star na iniidolo at hinahangaan ng marami lalo na ng mga kabataan. Silang dalawa ay unang nagsama sa Kapamilya hit series na “Kadenang Ginto” na umere sa telebisyon noong taong 2019, kung saan sila nga ay mayroong kanya-kanyang loveteams sa nasabing palabas na ito.
Matatandaan nga na sa seryeng Kadenang Ginto ay nakatambal ni Francine si Kyle Echarri, samantala si Andrea Brillantes naman ang naging on-screen partner ni Seth. Ang dalawang tambalan nilang ito sa Kadenang Ginto series ay tinawag pa ngang ‘teen group’ na may bansag na Gold Squad.
Nabuwag naman ang parehong tambalan pagpasok ng taong 2021, kung saan ng pumasok si Kyle Echarri sa Pinoy Big Brother bilang isa sa mga housemates nito ay na-link nga ito kay Chie Filomeno. Si Andrea Brillantes naman ay mayroon na ring real life partner ngayon, ito naman ay si Ricci Rivero na kilala naman ng publiko bilang isang manlalaro ng basketball.
