Showbiz
Mga Netizens Napahanga Sa Glow Up Na Pagdadalaga Ng “Train to Busan” Child Actress Na Si Kim Su-an

Maraming mga netizens ang napa-wow ng kumalat online ang isang video kung saan ay makikita na blooming at dalagang-dalaga na ang batang aktres na hinahangaan at bumida sa Korean Zombie film na “Train to Busan” na si Kim Su-an.
Makikita sa inilabas ng South Korean agency na Blossom Entertainment ang isang video, kung saan nga ay makikita ang naging behind-the-scene photoshoot ni Kim Su-an. Sa nasabing video nga na ito ay naging kapansin-pansin ang mas mature, blooming at dalaga na ngang si Kim Suan.
Matatandaan na nakilala ng marami si Kim Su-an ng ipamalas niya ang kanyang husay bilang isang batang artista sa pelikulang “Train to Busan” na ipinalabas noong taong 2016 at ginampanan nga niya sa pelikulang ito ang karakter bilang ang anak ni Gong Yoo.
Nito lamang araw ng Biyernes sa inilabas na ulat ng GMA news na “Unang Balita” ay sinabi nga na ang bata pa lamang noon sa pelikulang Train to Busan ay isa na ngang teenager ngayon na blooming sa kagandahan, at talaga namang confident at fashionista pa. Ayon naman sa ilang mga ulat na lumabas, si Kim Su-an ay unang sumabak sa pag-aartista noong siya ay limang taong gulang pa lamang. Siyam na taong gulang naman siya ng bumida nga siya sa pelikulang Train to Busan.
Samantala ilan naman sa mga pelikula niya na kinabilangan, matapos ang Train to Busan ay ang Korean series na “Sisters in Law” (2017), Along With the Gods: The Two Worlds (2018) at ang A Little Princess (2019). May ulat naman na lumabas na sa darating na buwan ng Oktubre ay may bagong proyekto na kabibilangan si Kim Su-an, ito nga ay JTBC drama na may titulong “Reflection of You.”
Marami naman sa mga tagahanga ni Kim Su-an ang hinangaan pa lalo ang kanyang taglay na kagandahan ngayong siya ay dalaga na. Ngayon kasi ay 17-taong gulang na siya, at ang kanyang awra ay talaga namang blooming na blooming na ngayon, kumpara sa batang napanood natin noon sa pelikulang Train to Busan. Sadya namang napakaganda ni Kim Su-an ngayon, ngunit magiging kapansin-pansin rin na taglay pa rin niya ang kanyang “adorable cheeks.”
