Connect with us

Entertainment

Gabby Concepcion Ipinasilip Ang Kanyang Beach House Sa Batangas Na Talaga Namang Nakakarelaks Ang Taglay Na Ganda Ng Tanawin

Published

on

Lahat sa atin ay may kanya-kanyang pinapangarap sa ating mga buhay, at kaya tayo nagtatrabaho ng husto ay upang mabigyan ito ng katuparan.

Katulad na nga lamang ng aktor na si Gabby Concepcion, na ang isa sa mga pangarap sa kanyang buhay ay ang magkaroon ng isang ‘beach house’, kung saan ay matatanaw niya ang magandang pagsikat at paglubog ng araw, at maging ang mga kulay asul na karagatan.

At dahil sa kanyang naging pagsisikap sa halos ilang dekadang pagiging isang mahusay niyang aktor sa showbiz, ay nabigyan na niya ito ng katuparan.

Isang beach house nga na matatagpuan sa probinsya ng Batangas ang na-ipundar ng aktor, at ang property niyang ito ay isa sa mga itinuturing niyang yaman.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinasilip na ni Gabby Concepcion sa publiko ang kanyang nakaka-relaks na beach house, at ang kamangha-manghang tanawin na nakapalibot dito.

Sa pamamagitan ng isang video vlog ay ipinakita ni Gabby ang kanyang Beach house, at ayon nga sa kanya ang lokasyon nito ay nasa Lobo, Batangas, na hindi naman kalayuan sa lungsod ng Maynila, kaya naman kung nanaisin niya ay agad siyang nakakapunta dito kapag nais niyang mag-relaks.

Masasabi nga natin na talagang nakaka-relaks ang beach house ng aktor dahil sa ang estruktura nito ay gawa sa mga kahoy at kawayan.

Ipinakita nga ni Gabby na sa bungad pa lamang ng kanyang beach house at agad na masisilayan ang mga naka-display pitong magagandang obra na ginawang dekorasyon na nakakapagbigay good vibes nga sa makakakita nito.

Pagdating naman sa dining area ay makikita ang isang mahabang lamesa na gawa rin sa kahoy, napakaganda rin ng ambiance sa parte na ito ng beach house kaya naman ayon kay Gabby ay isa ito sa mga paborito niyang tambayan.

Mula naman sa balcony ng beach house ng aktor, ay masisilayan ang nakamamanghang tanawin.
Ipinasilip rin ni Gabby ang kanyang silid-tulugan sa kanyang beach house, kung saan ay mula rin dito ay tanaw niya ang magandang tanawin sa labas, lalo na ang asul na dalampasigan at ang pagsikat at paglubog ng haring araw.

Ayon sa aktor, sa tuwing nais niyang lumanghap ng sariwang hangin at i-relaks ang kanyang sarili mula sa ingay at polusyon sa lungsod, ay dito siya nagtungo sa kanyang beach house.
Ibinahagi rin niya na tuwing siya’y nasa kanyang beach house ay mahilig siyang mangisda, kasama ang kanyang kaibigan na si Michael Flores.

May sariling fishing boat ang aktor na kanyang ginagamit sa tuwing siya ay nag fifishing, at ito nga ay makikita sa tila isang pantalan sa kanyang beach house.

Para nga sa aktor ang kanyang beach house ang kanyang paboritong lugar, dahil sa dito ay natagpuan niya ang katahimikan ng buhay, na tila siya’y nasa isang Paraiso.