Connect with us

Entertainment

Ganito Pala Tratuhin Ng Mag Asawang Dani Barretto At Xavi Panlilio Ang Kanilang Kasamabahay

Published

on

Agaw pansin sa mga netizens ngayon, ang isang latest vlog na ibinahagi ni Dani Barretto,ung saan dito ay kasama niya ang kanyang asawa na si Xavi Panlilio at ang kanilang anak na si Camillia Marguerite.Pinukaw nito ang atensyon ng mga netizens, dahil sa nakita ng mga ito ang maayos na pakikisama ng pamilya sa kanilang kasambahay at ang pagtrato sa mga ito bilang kapamilya nila.

Image Credit via Youtube

Sa vlog na ito ay masayang inanyayahan ni Dani at ng asawa nito ang kanilang mga kasambahay na saluhan sila sa isang Korean BBQ meal. Mapapanood rin sa Korean BBQ “mukbang” video ni Dani, na habang pinagsasaluhan nila ang kanilang kinakain ay nag laro ito ng isang ‘question and answer’ portion sa kanilang mga kasambahay, na mas lalo pang nagpasaya sa kanilang pagsasalo.

Image Credit via Youtube

Sa kanilang Q & A portion, Tinanong ni Dani sa kanyang mga kasambahay kung “Sinong mas maingay?”, na agad naman sinagot ng mga ito ng ” Ah, si Ma’am yan” at maririnig nga na natawa ang mag-asawa sa deretchang sagot ng kanilang mga kasambahay.

Image Credit via Youtube

Isa pa sa mga naging katanungan ni Dani sa mga ito ay “Kung sino ang pala-utos?”, na sinagot na naman ng kanyang kasambahay na si Cherry na “Si Ma’am”.

Image Credit via Youtube

Ayon nga kay yaya Rose, madalas kasi nangangailangan ng tulong si Dani, lalo na pagdating sa kusina at kung magluluto ito, nahihirapan kasi ito sa paghihiwa ng mga ingredients kaya naman talagang masasabi nila na ito ang madalas mag-utos sa kanila.

Image Credit via Youtube

Nagulat naman si Dani, sa naging sagot ni Yaya Rose ng tanungin niya kung sino ang mas mabait? at sabihin nito na si Xavi, ang kanyang asawa ang mas mabait.

Image Credit via Youtube

Kaya naman pabirong tinanong niya ang kanyang mga kasambahay na, ” Hindi ako mabait?”, na agad naman sinagot ni Ate Cherry na “Hindi naman namin sinabi na hindi ka mabait. Si mam Dani mabait, what you see is what you get sa kanya, ganun na lang”. Sagot naman ni yaya Rose ay ” Si mam Dani mabait siya, pero moody,” na agad namang sinang-ayunan ni Xavi.

Image Credit via Youtube

Mapapanood rin sa naturang vlog, ang naging pasasalamat ni Dani sa kanyang mga kasambahay na sina Ate Cherry at Yaya Rose dahil sa kabila ng pagkakaroon ng lockdown at hindi makauwi ang mga ito sa kani-kanilang mga pamilya, ay makikita na masaya ang mga ito sa pagtatrabaho sa kanila.

Video Credit: dani barretto/YouTube

I want to take this time to thank our helpers, Yaya Rose and Ate Cherry for taking care of us everyday.Para sa isang pamilya na tulad ni Dani at kanyang asawa na si Xavi, ay malaki nga naman ang naitutulong sa kanila ng kanilang mga kasambahay lalo sa gawaing bahay at pag-aalaga sa kanilang anak kaya naman ipinapakita rin nila sa mga ito ang maayos na pakikisama at pagtulong sa mga ito bilang isang kapamilya.