Connect with us

Entertainment

Geneva Cruz Ipinasilip Ang Naging Masayang Bakasyon Nila Ng Kanyang Anak Na Si London Kasama Ang Kaibigang Singer Na Si Rachel Alejandro

Published

on

“Beach Buddies”, yan ang naging caption ni Geneva Cruz sa kanyang Instagram photo nito lamang nakaraan, kung saan ay kanyang ibinahagi ang naging masayang bonding moments nila ng kanyang anak na si London sa isang beach, kasama pa nila ang kaibigan niyang singer na si Rachel Alejandro.

Sa Instagram account nga ng Filipina-singer ay makikiya ang naging pagbabahagi niya ng ilang mga larawan na kinunan sa naging masaya nilang bakasyon.
Ang isa ngang larawan ay makikita sila ng kanyang anak na si London habang nagpo-pose at ibinibida ang kani-kanilang beach attire, kung saan ay tila naka-twinning pa nga sila ng kasuotan dahil da parehong may disenyong ‘floral’ ang mga attire nilang mag-ina.

Si London ay ang anak ni Geneva Cruz sa dati niyang partner na isang Filipino-Australian na si Lee Paulsen. Makikita naman sa mga larawan na namana ng 6-taong gulang ng si London ang pagiging ‘morena beauty’ ng kanyang mommy.

Matatandaan na si Geneva ay isa sa mga kilala at sumikat na singer sa ating bansa. Isa rin siya sa mga tinaguriang platinum Filipina singer, ito ay dahil mga magagandang awitin na kanyang pinasikat at tinangkilik ng maraming mga Pinoy.

Kabilang sa mga naging matagumpay at sikat na awitin ni Geneva na mula noon at maging hanggang ngayon ay patuloy na naririnig at tinatangkilik ay ang “Anak ng Pasig” at “Kailan.”
Si Geneva Cruz ay nagsimula sa industriya ng musika ng siya ay madiskubre ng National artist of the Philippine for music na si Ryan Cayabyab. Ito rin nga ang bumuo ng iconic music group na “Smokey Mountain” na kinabilangan noon ni Geneva.

Pagdating sa buhay pag-ibig, ay masaya ngayon ang buhay ni Geneva, sa piling ng kanyang bagong boyfriend na nakilalang si Nikolaus Booth, na isa ngang American Producer ar dati ring United States Marine.

Lingid naman sa kaalaman nating lahat na bago pa man nga matagpuan ni Geneva ang masayang buhay pag-ibig sa karelasyon niya ngayon, ay matatandaan na siya ay ikinasal sa radio DJ at aktor na si KC Montero na tumagal nga ng 8-taon bago sila naghiwalay.