Connect with us

Entertainment

Geneva Cruz Masayang Ibinahagi Ang Pagdiriwang Ng Ika-8 Taong Gulang Kaarawan Ng Baby Girl

Published

on

Masayang ibinahagi ng singer-actress na si Geneva Cruz sa kanyang Instagram account ang naging pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang anak na si London. Noon nga lamang ika-8 ng buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon, araw ng Martes ay nagdiwang ng ika-8 taong gulang na kaarawan ang anak ni Geneva na si London Lee Cruz.

Sa Instagram ni Geneva ay makikita nga ang naging pagbabahagi niya ng throwback photo nila ng kanyang anak, at kalakip nito ay ang mensahe niya sa kanyang anak at ang pagbati niya rito ng isang maligayang kaarawan.

“Today, we are celebrating my baby girl @londonleecruz’s 8th birthday at home with a simple party with family and her closest friends. I think it is fun enough. They’ve been running around the house for a few hours now. Haha! May flight pa kami bukas! We love you Londy!”, saad nga ni Geneva sa kanyang IG post.

Ayon nga kay Geneva, isang simpleng pagdiriwang lamang ang naganap sa ika-8 taong gulang na kaarawan ng kanyang anak na si London, kung saan ito nga umano ay ginanap lamang sa kanilang tahanan at dinaluhan lamang ng kanilang pamilya at ilang mga kaibigan ng kanyang anak.

Ipinasilip naman ni Geneva ang ilang mga larawan na kuha sa naging simple ngunit masayang selebrasyon ng kaarawan ng kanyang anak. Makikita nga ang isang solo photo ni London na bakas ang kasiyahan.

Sa isang hiwalay na IG post naman ay ibinahagi ng singer-actress na si Geneva ang kanyang birthday wish at message para sa anak niyang si London.
“Merry 8th birthday to my #unicahija @londonleecruz!!! Thank you for inspiring me to keep pushing to become the best version of myself. Stay true to yourself and know thay you can be whoever you want to be, and never let anyone to tell you otherwise!

#FelizCumpleaňosmiPrincesa!!! Forever Yours, Mommy”
Kitang-kita naman sa mga larawan ng unica hija ni Geneva na si London na habang ito nga ay lumalaki ay mas lumilitaw pa ang angkin nitong kagandahan na namana nga nito sa singer-actress. Maliban pa nga sa kagandahang tinataglay ni London,

ay namana rin nga niya sa kanyang Mommy Geneva ang kagandahan ng boses, sa katunayan nga niyan sa isang video post ni London sa kanyang Instagram ay makikita ang naging masayang bonding nilang mag-ina habang sila nga ay kumakanta at dito ay mapapakinggan nga ang magandang boses niya.