Connect with us

Showbiz

Geneva Cruz Sa Edad Na 46’s Fresh At Young Looking Pa Rin Dahil sa Pag Aalaga Sa Kanyang Kalusugan

Published

on

“Age is just a number”, yan ang pinatunayan ng dating aktres na si Geneva Cruz, dahil sa kabila ng kanyang edad na 44-taon na ay napaka-fresh at young looking pa rin niya, ito ay dahil sa tamang pag-aalaga na ginagawa niya sa kanyang sarili ngayon na siya’y nagkaka-edad na.
Makikita nga sa awrahan ngayon ni Geneva na kahit siya’y 44-taong gulang na, ay proud na proud pa rin siyang ibandera ang kanyang magandang mukha at pangangatawan. Tila nga “40 is the new 30” na ngayon.

Sa social media account ng aktres ay masaya niyang ibinahagi na ngayon na siya ay nasa edad 40’s na ay mas lalo niyang na-eenjoy ang kanyang buhay, at mas naging positibo siya sa bawat araw sa kabila ng iba’t ibang negatibong bagay na nangyayari sa mundo. “I like being in my 40’s because I have more life experiences, I cope with difficulties better, and know what to do in challenging situations. Mostly.” Ani Geneva.

Nagbigay payor in si Geneva, kung paano dapat inaalagaan ng isang indibidwal na nasa 40’s na ang kanyang kalusugan at pangangatawan. Ayon nga kay Geneva, sa edad na 40’s ay nakakain pa rin naman ang mga pagkain na nakakain ng isang tao na ang edad ay 20’s, ngunit mas mahalaga na mag-ehersisyo at kumain ng naayon sa healthy diet.

“But at the same time, at 40’s, you eat same food as you used to eat at the age of 20, and you could gain weight really fast because our metabolism decreased and we lose muscle faster. To avoid this unpleasant issue, we have to follow a healthy diet and do exercise.”

Dagdag pa ng dating aktres, ngayon na nasa 40’s na siya ay mas nakilala niya ang kanyang sarili, kung saan ay natutunan niya na layuan ang mga toxic na tao na nagbibigay ng negative vibes sa kanya. Mas masaya umano ang kanyang buhay ngayon, dahil natutunan niya na mas masaya pala kapag naging independent ka sa iyong sarili.

Maliban sa pangangalaga sa kanyang katawan at kalusugan, ay magsisimula na rin si Geneva na pasukin ang mundo ng pagnenegosyo, kung saan ay excited na nga siyang simulan.
Nagbigay tips rin si Geneva, kung paano maiiwasan na tumanda ng mabilis ang pisikal nating pangangatawan.

“I hope this will help you get prepared for the future and not worry about these changes. Keep in mind that you can slow down the progress of aging with the help of healthy living – proper eating, exercise.. but you gotta learn to accept and love yourselves with wrinkles, cellulites, loose-skin and all – self – love, and love for others can make your heart and skin glow.” Sa kabila nga ng kanyang edad na 46-taong gulang na ay kitang kita pa rin ang taglay na kaseksihan at kagandahan ni Geneva Cruz, kaya naman marami sa mga netizens ang talagang na-inspire at humanga sa kanya.