Connect with us

Entertainment

Goin’ Bulilit Child Star Trina ‘Hopia’ Legaspi Pinamangha Ang Mga Netizens Sa Kanilang Prenuptial Photo

Published

on

Si Trina ‘Hopia’ Legaspi ay nakilala sa telebisyon bilang isa sa mga child star na nagbibigay aliw sa maraming mga manonood dahil sa kanyang taglay na kakyutan noong siya ay mapabilang sa Goin Bulilit isa sa mga TV show noon ng ABS-CBN. Ilan sa kanyang mga nakasanayan na child star noon na ngayon ay mga sikat ng aktres sa showbiz ay sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Kung noon nga ay nakilala ng marami si Trina o mas kilala nga bilang Hopia na kagiliw giliw na bata dahil sa kanyang cute chubby face, ngayon naman ay marami ang napansin na ang dating chubby face na si Trina ay isa ng napakagandang dalaga at ito nga ay 26-taong gulang na.

Sa kabila naman ng hindi niya masyadong aktibo sa showbiz, ay abala naman si Trina sa kanyang mga TV Commercials at pag gawa ng mga vlogs sa kanyang YouTube channel.

Samantala, kamakailan nga lamang ay muling naging usap-usapan si Trina sa social media ng kumalat nga ang mga larawan ng naging proposal sa kanya ng kanyang longtime non-showbiz boyfriend. Noon ngang buwan ng Nobyembre taong 2020 ay nag-propose na kay Trina ang kanyang mahigit anim na taon ng boyfriend na si Ryan Jarina.

Matatandaan nga na sa kanyang social media account ay masayang ibinahagi ni Trina ang kanyang nararamdaman ng sagutin niya ng ‘Yes’ ang boyfriend niya. Ito nga ay dahil sa talaga namang labis ang kanyang galak sapagkat ang kanyang kauna-uanahan at nag-iisang nobyo, ay siya rin nga niyang makakasama habang buhay.

Matapos ngang maging usapan ang kanilang engagement, ilang buwan lamang ang lumipas ,ay muling naging agaw-pansin si Trina sa mga mata ng netizens. Ito nga ay ng lumabas na sa social media ang mga larawan sa naging prenum photo shoot nila, kung saan isa nga ito sa mga pinagkakaabalahan nila sa nalalapit nilang kasal ng kasintahan.

Ayon nga s amga ulat, ang mga magagandang prenup photo ay kinunan ng kilalang photographer na si Nico Gonzales. At kitang -kita nga sa mga larawan kung gaanong lumitaw ang taglay na kagandahan ni Trina, kung saan ay naging mala-dyosa nga ang dating ng bride-to-be dahil sa kanyang suot na flower-laced gown na mayroon ngang disenyo na plunging neckline.

Ang napakaganda ngang gown na suot ni Trina sa kanyang prenup photo ay likha ng designer na si Mich Viray. Samantala, upang ilabas ang kanyang natural na ganda, ay simpleng make-up lamang naman ay ginawa kay Trina ng make-up artist na si Julius Cabanisas. Ang hair stylist na si Diana May naman ang nag-ayos ng napakagandang wavy hair ni Trina.

Isang napakaganda at nakakamanghang Dreamy set ang napiling tema ni Trina para sa kanyang prenup photoshoot, at ito nga ay pinagtulungang idesenyo nina Jemi Nicdao at Michael Ruiz. Makikita na ang ilang mga ginamit na disenyo at palamuti upang ma-achieve ang mala-gubat na background set ay mga dried flowers at iba pang mga uri ng halaman.

Dahil nga sa mala-dyosang kagandahang makikita sa naging prenup photoshoot ni Trina ay marami nga sa mga netizens ang talagang napa-wow at inaabangan na nga ng mga ito ang magiging kasal ng dating child star.

Panigurado kasi na mas lalo pang lilitaw at titingkad ang mala-dyosang ganda ni Trina kapag nakasuot na siya ng kayang trahe de boda. Sa ngayon, ay wala pang ipinahahayag si Trina at ang kanyang fiancée na si Juluis kung kailan ang eksaktong petsa ng kanilang pag-iisang dibdib.