Connect with us

Entertainment

Halloween Costume Ni Ellen Adarna Hindi Nagustuhan Ng Anak Na Si Elias Modesto

Published

on

Sa nakalipas na selebrasyon ng Halloween ay maraming mga celebrity na naman ang hindi pinalampas ang pagkakataon na isuot ang kanilang mga nais na Halloween costume. Tila naman talagang nakasanayan na ng marami na tuwing Halloween ay isinusuot ang mga paboritong costume, na hango sa kung sinong karakter o personalidad ang nais mo.

Samantala, isa sa mga celebrity na talaga namang hindi nag pahuli na ibida ang kanyang kahanga-hangang costume ay ang aktres na si Ellen Adarna at ang kanya ngang anak na si Elias Modesto.
Noon nga lamang ika-2 ng Nobyembre ng ibahagi ng aktres sa kanyang Instagram account ang larawan kung saan ay makikita nga ang cute moments nila ng anak niyang si Elias, habang suot nila ang kani-kanilang Halloween costume.

Makikita sa larawan na ang Halloween costumes ni Ellen ay ang pagbibihis niya bilang Cruella de Vil at Marilyn Monroe, kung saan si Ellen ay nakasuot ng red dress na kanya namang binagayan ng white at black wig. Si Elias naman ay makikitang nakasuot ng costume na SWAT officer, at masisilayan sa ekspresyon ng mukha nito ang tila hindi niya pagka-gusto sa suot na costume ng kanyang ina.
“I don’t like you to be like that”, ang saad nga umano ni Elias sa ina niyang si Ellen, na ang ibig ngang sabihin ay hindi niya gusto ang kasuotan ng kanyang ina.

Marami naman sa mga kaibigan ni Ellen ang nagbigay komento tungkol sa naging reaksyon ni Elias sa costume ng kanyang ina. Mapapansin nga na talagang ayaw ni Elias sa suot na costume ng kanyang mommy Ellen, kaya naman halos wala itong matinong kuha, dahil sa ayaw nga niyang humarap sa kamera.

Sa ilang videos naman na ibinahagi ni Ellen sa kanyang IG stories ay makikita na bandang huli na natanggap na ni Elias ang kanyang costume, kaya naman mas naging masaya na ang bonding nilang mag-ina, kasama pa ang aktor na si Derek, na siyang fiancée ngayon ni Ellen.

Bago naman natapos ang gabi ng Halloween, ay nagpalit pa nga ng isa pang costume si Elias, kung saan ay kanya ngang sinuot ang paborito niyang costume na spiderman. Makikita pang labis nilang inenjoy, ang Halloween party na naganap sa mismong bahay ng fiancée ni Ellen na si Derek.

Si Elias Modesto ay anak ni Ellen Adarna sa aktor na si John Lloyd, na dati nga nitong karelasyon. Kahit naman hiwalay na, ay sinigurado nila na magagampanan nila ang responsibilidad nila bilang magulang kay Elias, kaya naman napagkasunduan nila ang isang maayos na co-parenting.