Connect with us

Entertainment

Heaven Peralejo At Aktor Na Si Kiko Estrada Kumpirmado Na Ang Relasyon

Published

on

Matapos ang halos kalahating taon na naging usap-usapan at mapagkamalang di-umanoy pagkakaroon ng relasyon ng aktres na si Heaven Peralejo sa aktor na si Kiko Estrada, nito lamang nga nakaraan ay isinapubliko na ng dalawa ang tunay na namamagitan sa kanila.

Matatandaan na si Kiko Estrada ay dating nobyo ng aktres na si Devon Seron, at matapos nga ang ilang taon nilang relasyon ay nauwi sa hiwalayan ang dalawa. Dito na nga nagsimulang ma-link si Heaven sa nasabing aktor, dahil na rin sa mga larawan nilang magkasama na lumabas sa Instagram.

Nagsimula naman ang kuro-kuro na si Heaven umano ang naging dahilan ng hiwalayan nina Devon at Kiko, ngunit ayon nga sa aktres ay wala siyang kinalaman sa naging paghihiwalay ng dating magkasinatahan, at wala siyang anumang relasyon sa aktor para siya ang maging dahilan ng pakikipaghiwalay nito kay Devon.

Kaya naman talagang ikinagulat ng marami ng bigla na lamang isapubliko ni Heaven at Kiko nito lamang nagdaang linggo na silang dalawa ay magkarelasyon na.

Nito nga lamang nakaraan sa parehong Instagram account ng dalawa, ay pareho silang nagbahagi ng kani-kanilang sweet na larawang magkasama. Makikita rin sa larawan na kasama ng dalawa ang kanilang fur baby dog.

Makikita sa iba pang mga larawan na ibinahagi ni Heaven kung gaano sila ka-sweet at kasaya nito Kiko ngayon sa kanilang relasyon. Isa pa nga sa mga larawan na talagang nagpapakita ng ‘sweetness’ ng magkasinatahan, ay ang makikitang hinahalikan ni Kiko si Heaven sa noo, na masasabi nga natin na isa sa mga pinaka matamis na ‘gesture’ ng magkarelasyon.

“His”, ito naman ang maikling caption ni Heaven sa kanyang naging post, ngunit ang maikling mensahe nga niyang ito ay tila nagsasabi na siya ay para lamang kay Kiko at ito ang lalaking kanyang pinakamamahal.

Samantala, sa Instagram naman ni Kiko Estrada ay makikita rin kung paano nito ibinandera na girlfriend na niya ang aktres na si Heaven. Nagbahagi rin ang aktor ng mga larawan nilang magkasama ni Heaven, at ito nga ay nilakipan niya ng caption na “I Love You”

Sa comment section naman ay makikita ang naging komento ni Heaven ng ‘I love you too’ bilang kanyang ngang pagtugon sa naging caption ng aktor.

Sina Heaven at Kiko ay nagkasama sa Kapamilya series na “Bagong Umaga” kung saan ay nakasama rin nila ang iba pang mga Kapamilya star na sina Tony Labrusca, Barbie Imperialm Yves Flores at iba pa.