Inspiring
Heaven Peralejo Proud Na Ipinakita Ang Kanyang Mga Graduation Picture Sa Kolehiyo

Tunay namang ang pagtatapos ng pag-aaral ang pangarap sa atin ng marami, ngunit hindi nga naman lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makapagtapos ng pag-aaral. Ito ay mayroong iba’t ibang dahilan, ang iba ay dahil sa labis na kahirapan at ang iba naman ay dahil sa inuna ang trabaho kaysa sa edukasyon dahil kailangan suportahan ang pangangailangan ng pamilya, kagaya na lamang ng sa mga artista.
Ilan nga sa mga sikat na artista ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, ngunit may iba naman na sa kabila ng pagiging abala sa trabaho ay ipinagsabay ang pag-aaral at pag-aartista para lamang makapagtapos at magkaroon ng magandang edukasyon. Halimbawa na nga lamang nito ay ang aktres na si Heaven Peralejo, na nito lamang nakaraan ay masayang ibinahagi ang pagtatapos niya ng kolehiyo.
“It was one heck of a journey but I finally graduated!”, ang naging saad ni Heaven sa kanyang IG post kalakip ang ilan sa kanyang mga video at photo na kuha sa graduation journey niya.
Hindi rin nakalimutan ng Kapamilya actress na pasalamatan ang lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanya, unang -una na nga rito ang kanyang pamilya at siyempre ang mga kaibigan niya at mentors.
“It was one heck of a journey but I finally graduated! All of there would not be possible without continuous and unconditional love and support from my family, friends and mentors! Oh, and I also moved out home!” Ibinahagi rin ni Heaven na ang pinili niya ay ‘online blended learning’, ngunit hindi na nga niya binanggit kung saan siya nag-aral na paaralan.
Hindi lamang nga ang ‘moving up’ niya ang ibinahagi ni Heaven, dahil ayon sa kanya, sa ngayon ay namumuhay na siya ‘independently’ dahil nag-move out na siya sa kanilang tahanan. Pangako pa ni Heaven, ay ilalabas niya sa kanyang YouTube channel ang kanyang mga video patungkol sa kanyang naging journey.
Agad namang bumuhos ang ‘congratulatory message’ para kay Heaven mula sa kanyang mga fans, dahil sa panibagong achievement nga niyang ito sa kanyang buhay. Matatandaan na last year ay na-feature si Heaven sa official YouTube channel ng Southville International School Affiliated with Foreign Universities, kung saan ay isa nga umano ang Kapamilya actress sa mga mag-aaral nito.
