Connect with us

Showbiz

Hero Angeles Ito Na Pala Ang Kasalukuyang Pamumuhay Matapos Iwan Ang Kanyang Showbiz Career

Published

on

Marahil marami pa rin sa ating ang natatandaan ang aktor na si Hero Angeles? Siya ay unang nakilala sa mundo ng showbiz ng maging kalahok at manalo siya sa talent search program ng ABS-CBN na “Star Circle Quest”. Matapos ng kanyang naging pagkapanalo, ay nagsimula na nga ang kanyang karera sa showbiz, at napabilang siya sa ilang mga proyekto. Ngunit ilang taon pa lamang siya sa kanyang pag-aartista, ay bigla na nga lamang naglaho ang aktor, kaya marami sa kanyang mga tagahanga ang nagnanais malaman kung ano na nga ba ang buhay na tinatahak nito ngayon.

Isang mabait, mapagbigay na tao at willing na magbahagi at magturo sa iba ng kanyang talento, ganyan kung ilarawan si Hero ng mga naging kasamahan, katrabaho at kaibigan niya sa industriya ng showbiz.
Samantala, sa YouTube Channel Artista Updates ay mayroong video na mapapanood kung saan ay ekslusibong nakapanayam si Hero Angeles. At dito nga niya ibinahagi ang kanyang naging buhay noong siya ay nag-aartista pa at ang kanyang kasalukuyang pamumuhay ngayon.

Matatandaan na taong 2004 ng pasukin ni Hero ang pag-aartista, ito nga ay matapos niyang magwagi sa “Star Circle Quest”. Ang kanyang pangalan ay mas naging matunong pa nga sa madla, ng makatambal niya ang dati ring aktres na si Sandara Park. Dahil sa pagkakaroon nila ng ‘chemistry’ ay tinangkilik ng publiko ang kanilang tambalan, lalo na nga ng pakiligin nila ang lahat sa mga pinagtambalan nilang proyekto kagaya na lamang ng “Bcuz of You” at “Can This Be Love?”

Nang matapos nga ang kontrata ni Hero sa Kapamilya network, ay nagdesisyon siyang umalis sa pag-aartista. Ang ka-loveteam naman niya na sa Sandara Park, ay nagdesisyon rin na bumaliksa bansa nito sa South Korea, kung saan ngayon doon ay isa na itong sikat na singer superstar.

Taong 2008 naman ng muling masilayan si Hero ng publiko sa telebisyon, at sa pagkakataon ngang ito ay napanood siya sa ilang mga programa ng GMA network tulad ng Luna Mystika at Dyesebel. Doon nga ay napag-alaman na ang dating Kapamilya actor ay opisyal ng lumipat ng TV network sa ilalim ng management ng yumaong Master showman na si German Moreno at ng kapatid mismo ng aktor na si Henry Angeles.

Kahit naman lumipat ng TV network, ay hindi naman naging full pledge sa pag-aartista si Hero, dahil mangilan-ngilan lamang ang kinatatampukan niyang programa sa telebisyon. Ayon sa aktor, kaya bihira pa rin siyang mapanood ng publiko ay dahil sa mas binigyan niya ng prayoridad ang maging isang pintor. Dito umano niya inilaan ang kanyang sarili at mas maraming mga oras, kaya naman ito ang nagdala sa kanya sa kung ano man ang tinatamasa niya ngayon na tagumpay.

May Facebook page si Hero kung saan ay nagsasama at nag-uusap doon ang iba’t ibang mga artist kagaya niya at ipinapakita ang mga likha ng mga ito, at ito nga ay ang “Arcetero” FB page.
Sa naging panayam nga ni Hero, ay sinabi niya na noon pa mang bata siya ay nasa pag-guhit na ang kanyang damdamin, kaya naman talagang malaking katuparan sa kanya ang maging matagumpay sa larangan na ito